Dir. Basas: May dalawang mahahalagang bagay na dapat mangyari: a) magkaroon
ng dokumentasyon and reporting – ito ang magiging mahalang partisipasyon ninyo;
b) mag-a-attend sa mga dialogues para malaman kung anong nangyayari sa ating
programa. Kung may report may aksyon, matututukan na natin ito.
Mr. Cabonegro: Hindi namin naipakita na ito ay isang mekanismong online na
makikita ng mga tao sa buong mundo. Kung cellphone ang gagamitin, magkakaroon
tayo ng iisang numero at iisipin natin kung sino lamang ang p‟wedeng mag-text.
Kayo mismo ang magsasabi kung sino ang dapat ninyong pagkatiwalaan bawat grupo
o barangay, tribo o isang lugar. Dahil sa pinagkakatiwalaan ninyo ang tao na „yun –
ang tawag po ay verified report o totoong report. Hindi po ito kagaya ng
pagsusumbong kay Tulfo. Mag-ingat rin po kayo dahil baka masira ang buhay ng
isang tao na ire-report ninyo.
Ang tanong ay kung papano ang mag-report? May training po tayong gagawin dito.
IPMR Limsa: Tungkol sa reporting kung ang problema ay tungkol lamang sa mga
Katutubo hindi ito dapat i-report sa human rights.
Participant: Gusto kong makasama ang CHR. Maraming problema sa Quezon na
kailangan natin sila.
Ms. Elsie Masa, Taytay: Magkaroon tayo ng agarang aksyon at ma-resolba ang
mga problema sa komunidad. Magiging maganda ito para sa atin, dahil takot ang
mga tao sa komunidad hindi kasi alam kung sino ang kakampi. Tanggapin natin ang
offer ng CHR.
Ranger Eliseo F. Rodrigo: Ang daming batas andyan ang E-NIPAS, ECAN, etc.
pero ang katungali ay IPRA lamang. Nayuyurakan ang karapatan namin dahil naiipit
kami sa mga nag-u-umpugang bato. Maganda ito para sa atin.
Pastor Danuel A. Melan: Mas magandang may training ang mga magre-report
dahil wala tayong idea. Salamat po at nandito kayo para tumulong.
Motion to approve the IPHRO “Iminumungkahi ang pagtanggap ng
IPHRO para sa mga Katutubo”:
Herbert Dadizon – 1st motion
IPMR Sapdul Guinto, Jr. – 2nd the motion
Therefore the motion for the agreement that the agreement between CHR and
NATRIPAL to establish a mechanism called IPHRO is approved.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[71]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents