Other notes: - Ang iba ay walang CADT, walang hawak na titulo, hindi pa naka-apply, etc. Nagdudulot ito upang maging mahina ang kakayahan para maisulong ang karapatan. - Malinaw na lumabas sa kosultasyon na may mga tulong ang gobyerno ngunit ito ay hindi sapat - Ang mga tinatamaan na komunidad ay may kababaihan, kabataan, mga bata, matatanda at ang mga IPs na paikot-ikot sa ibang lugar Paguugat: 1. Diskriminasyon laban sa mga Katutubo – maraming hindi inuunawa ang mga sitwasyon ng mga IPs. Kailangan itong baguhin. 2. Kulang sa kakayanan ng mga duty bearer (obligadong magpatupad) – hindi naman ikinakaila ng NCIP na kulang ang kanilang kakayanan at ang iba pang ahensya ng gobyerno. 3. Kaguluhan (conflicts) na pumapasok sa lipunang Katutubo (dulot ng banggang interest sa likas yaman at mga nagbabangaang p‟wersang may armas na humahati sa lipunang Katutubo) – galing ito sa labas na pumapasok sa inyong mga mga teritoryo at komunidad C. Mga Pangunahing Kongklusyon… 1. Walang kasiguruhan ang karamihan sa lupaing ninuno; kulang ang proteksyon sa karapatan sa integridad ng kultura, kaya nasa panganib ang Katutubong kakanyahan o identidad (Indigenous Identity); nawawalan ng tahanan at naaagawan ng yaman ang mga Katutubo. 2. Laganap ang paglabag sa FPIC (Free, Prior and Informed Consent); mahina ang representasyon ng mga Katutubo; naisasantabi ang Katutubong proseso ng pagpapasya at sariling-pamamahala. 3. Kulang ang kakayahan ng mga may katungkulan sa Gobyerno na itaguyod ang Karapatan sa Pag-unlad ng Katutubo; kulang din ang tulong upang maipatupad ang Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plans (ADSDPP); - walang direktang suporta ang Estado dahil ito ay wala sa batas na kailangan pondohan ang pag-gawa ng ADSDPP 4. Kulang ang proteksyon at patuloy ang diskriminasyon sa mahihinang sector ng sambayanang Katutubo (hal. kababaihan, bata at kabataan, matatanda, bakwit at mga palipat-lipat ng tirahan) 5. Kulang ang pagtulak sa Karapatan ng Katutubo sa usaping autonomiya at usapang pangkapayapaan. – sa ilang lugar hindi sa lahat ng lugar NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [50]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents