Ms. Chai: Kausapin ko po kayo mamaya.
Participant: Ang sabi n‟yo po nag-survey na po kayo pero sa North ay wala pa.
Ano ang assurance namin na ang mga Katutubo ay maprotektahan rin sa mga survey
na gagawin n‟yo? Dahil nandoon ang mga pangalan at edad namin.
Ms. Darleen: Ang usapin po ng Pangolin dito sa Palawan ay mainit sa ngayon kaya
po para ma-protektahan po kayo. Hindi po kami magtatanong ng pangalan.
Nagsisimula lamang po kami sa edad at kasarian.
Ms. Chai: Wala pa po kaming ginawang survey. Practice pa lamang po ang ginawa
namin. Hindi rin po kami magkakaroon ng picture during the interview. May
confidentiality po tayo, kahit po kami ay hindi namin malalaman kung sino.
Participant, Brgy. Maasin: Hindi rin po nabanggit ang aming barangay. Ano po
ba ang kahalagahan ng Balintong at bakit kailangan maprotektahan?
Ms. Chai: Ito po ay parang isang endorser ng sabon para mabenta ang isang
conservation. Ang kinakain po n‟ya ay mga anay at langgam. Parte po s‟ya ng isang
ecosystem. Galing rin po na ibang mga researchers sila ay nawawala na sa ngayon at
tumataas ang tinawag natin na illegal trade. Hindi lamang po dapat ang Pangolin
ang dapat nating protektahan kundi ang iba pang mga may buhay.
Participant, Brgy. Maasin: Tinanong ko po ito dahil noon ay marami sa amin
ngayon ay wala na dahil kinukuha ng mga tao. Ano ba dapat ang gagawin kapag may
nakitang nanghuhuli?
Ms. Chai: Sa ngayon po may tinatawag tayong Wildlife Law at sila ay hinuhuli ng
mga Pulis at mga taga-DENR. Pero sa tingin ko po sa ngayon ang problema natin ay
ang illegal trading at isa it osa malaking problema aside from the extinction.
Participant, Roxas: Kinagisnan ko po sa aming kultura na ang hayop na „yan ay
kinakain namin. Papano kami papo-protektahan kung kinakain namin ang hayop na
„yan?
Ms. Chai: Sa ngayon hindi ko po alam ang sagot. Kaya lamang po kami nandito
ngayon ay para malaman kung nasaan ang mga Pangolin, saan sila makikita at ano
ang mga dahilan at bakit nawawala sila. Next year po ay magtatawag po siguro kami
ng mga Stakeholders para mag-tulung tulong mag-desisyon kung saan dapat magestablish ng local conservation area. Ito lamang po ang paraan para ma-protektahan
natin sila.
Ms. Darleen: Ang pagkain n‟yo po bilang isang kinagisnang kultura ay inirerespeto
po namin. Ang malaking pagtutuunan namin ng pansin ay ang malakihang trading.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[13]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents