~ANNEX~ Minutes of the Meeting – 2017 NATRIPAL General Assembly as Presented by Mr. Rodante R. Luquisan, Board of Trustee HALAW SA KATITIKAN NG PANGKALAHATANG PAGPUPULONG NG NAGKAKAISANG MGA TRIBO NG PALAWAN (NATRIPAL) NOONG DISYEMBRE 13-15, 2017 SA NATRIPAL RESOURCE CENTER, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA., PALAWAN Nagsimula ang pagpupulong ganap na ika- 2:00 ng hapon sa panimulang panalangin ni BOT Dario Pandeῆo. Pagbukas ng Pangkalahatang pagpupulong ni G. John Mart M. Salunday (Pangulo ng Pederasyon) - Isang mapagpala‟t makakalikasang pagbati sa ating lahat. Isang pagtipon-tipon naman ng ating pederasyon upang magkabalitaan sa mga pangyayari‟t kaganapan sa ating pamayanang Katutubo. Ikinagagalak ko pong kayo ay dumalo ngayon upang ipresenta ang ating komunidad. Welcome po kayo sa pagdalo at sa mga darating pa muli magandang hapon po. Mensahe Amay Rogelio R. Limsa (Council of Elder) Pagbati ng magandang hapon sa lahat! - Saludo sa mga nagawa ng pamunuan, ipagpatuloy ang magagandang gawain upang mapatunayan sa komunidad na aktibo at ginagampana ang tungkulin. - Ngayong asembliya ay may eleksyon kung kaya‟t ang pangulo ng local na samahan na nagnanais na kumandidato para Board of Trustees, maghanda na ng resikitos kompletuhin at tayo ay walang pasubali, sundin natin ang regulasyon at patakaran ng ating pederasyon. - Tungkol sa representante na magboto lang, kinakailangan na may dalang sulat mula sa pangulo at pinahihintulutan makilahok sa halalan para magboto lang. - Ipinapaalam ko po sa inyo na hindi ko na kaya at noon pa nagpapaalam na ako at nais ko na pong magresign bilang chairman ng council of elders, ang sinuman sa hanay ng council of elders ay kwalipakadong mag-chairman. - Hangad ko po ang maganda nyong layunin at maraming salamat sa inyong lahat. Pres. John Mart Salunday - Pagpapakilala sa mga bisita mula sa Commission on Human Rights (CHR) na siya nating kaagapay o katuwang para sa mga Katutubo, lalo na sa mga karapatan. Magbibigay po sila ng payo para sa kalutasan ng ating problema. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [85]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents