Pagbati ni Amay Rogelio “Ompong” Rodrigo
Tagbanua Tribe, Palawan
alamat at tayo ay naka-buo ng tatlong (3) mga tribo mula sa Tagbanua, Batak at
Palaw‟an. Nakakalungkot lamang at tayo ay hindi na marunong
magsalita ng ating mga lingwahe. Ang mga bagong sibol wala ng
alam. Ang panawagan ko lamang ay huwag kalimutan ang ating
sariling wika.
Binabati ko lamang po ang ating mga abogado na nandito, si Atty.
Chan, Atty. Jofi, Atty. Grace at ang ating taga-DENR na si Johnny
Lilang. Kasama po natin s‟ya noong mabuo ang Task Force para sa Ancestral
Domain sa ilalim ng “Dautu” (?). Noong nandoon kami sa Rizal, masakit ang sinabi
ng Vice Mayor, kay Fr. Arman, sinabi na “Huwag kayong maniwala kay Fr. Limsa
nagpapayaman „yan.”
Kasama ang ating mga abogado, mag-kaisa tayo patungo sa ating layunin na
makamit ang karapatan ng mga Katutubo. Salamat po sa inyo.
Message of Mr. Johnny Lilang
DENR-PENRO, Land Management Dept.
ng dating CENRO ng Palawan ay pito (7) sa ngayon ay anim (6) na lamang. Ang
CENRO ng Narra ay pnaghatian ng Puerto at ng Quezon. Kung
kayo ay taga-Narra ang DENR Office ay nasa Quezon na. Kung
kayo naman at taga-Aborlan ang transakyon ay dito na sa
Puerto.
Ang interes ng DENR ay ang pag-kumpleto ng Ancestral Domain
dito sa buong probinsya. Katatapos lamang pag-usapan ang
FLUP (Forest Land Use Plan) sa Aborlan. Ngayon taon po ay sampu (10) ang pinagusapan at kinukumpleto ang basic list at alam natin na malaking bahagi rito ay nasa
lupaing ninuno.
Ayon sa ating plano ay kung ano lamang ang naka-lagay sa ating ADSDPP ay
irerespeto ng FLUP ng DENR. Ang FLUP ay hindi sa DENR, kami po ay tumutulong
lamang para sa pag-plano sa Munisipyo. Ang expectation ng DENR ito ay matapos
para magkaroon ng gabay. Kapag ang mga lupain dito ay na-certify na ng NCIP ito
po ay igagalang ng FLUP.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[29]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents