Partner’s Message: Balitaan… Kwentuhan… Update… Message of Atty. Nesario G. Awat Representative of the Mayor agandang Umaga po sa inyong lahat. Tatlo po ang dahilan ng aking pag-punta dito: Una, ako po ang ipinadala ng City Mayor para magpresent dito; Pangalawa, bilang isang miyembro ng City Council; at Pangatlo, bilang isang Area Manager ng Tanggapang Pan-legal ng mga Katutubong Pilipino. Binabati ko po kayo sa inyong 47th Pangkalahatang Pagpupulong. Napakahaba na talaga ang kasaysayan ng City Councilor NATRIPAL. Kasama pa ako sa nagsimula nito sa lalawigan ng Palawan at ang lugar na ito noon ay pangarap lamang pero ngayon ito ay pag-aari na ng NATRIPAL. Ako pa ang nag-notaryo ng Deed of Sale nito. Salamat at ako ang ipinadala ni Mayor Lucilo R. Bayron para mag-represent. Maraming problema ang lungsod ng Puerto Pricesa at may budget itong P2.2B. Ngunit P1.5M lamang ang lumabas para 2018 and probably for 2019. Ito ay ipinalabas base sa isang Ordinansa noon ako ay nanalo bilang isang Konsehal para sa pagpapalakas ng Indigenous Peoples at pag-celebrate ng Indigenous Peoples‟ Month. Dapat lamang na ibigay ang buget na ito dahil kung lalakas ang mga tao, lalakas rin ang ating gobyerno. More than 12 years na ang Ordinansa pero walang na-delineate na Ancestral Domain dito sa Puerto Princesa base sa budget ng gobyerno. Mayroong mga gumagalaw pero galing ito sa mga pondo ng mga NGOs. Ang ginawa ko po noong ako ay maka-balik sa Konseho, ang P500T ay ginawa kong budget counter-part ng City Government para magkaroon ng MOA sa mga Indigenous Peoples. Ito po ay ang pag-delineate ng Ancestral Domain sa seven (7) Barangays sa Northern Part ng Puerto Princesa. Ang counter-part ng NCIP ay ang iba pang gastusin na ayon sa kwenta ay may mahigit na P1.5M. Sinisimulan na po ang proseso at maibibigay na ang titulo sa ating mga kapatid sa Batac, northern part ng Puerto. Ang tseke po ay nasa NCIP na po. Ito po ay base sa budget ng 2017. Ang budget ng 2018, ay para sa MOA ng mga Katutubong taga Brgy. Marupinas. Tatanungin ko po kayo ngayon para sa aming 2019 budget deliberation kung ano ang NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [21]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents