5
relief na hindi mo maisusuot dahil akala siguro ng nagbigay, hindi tao ang bibigyan
ng relief kaya kahit basahan na ay ipamimigay pa din. Akala nila nakatulong na sila
ng malaki dahil dito.
Binago ng Ondoy ang aming pamumuhay. Nakitira kami, nagkahiwahiwalay, umasa sa relief at donasyon ng mga malalapit na kaibigan at kasama,
lumiban sa pagkain, pumila sa relief, nakipag-away sa mga kapit-bahay, nawalan ng
lahat, at natakot ng husto para sa aming kinabukasan. Ganito ang pakikibaka arawaraw pagkatapos ng Ondoy.
Makaraan ang ilang taon, sumalanta naman si Habagat— kung kelan naman
nakakapag-ipon na muli kami ng gamit at unti-unting nagiging normal ang buhay.
Masaklap, hindi lang isang beses, kundi dalawang beses pa talaga. Katatapos lang
namin maglimas at halos patapos na, nang bumira na naman ang matinding pagulan, bagay na nagdulot ng ikalawang baha. Sa ikalawang pagkakataon, halos
umabot muli sa ikalawang palapag ng bahay ang baha. Kaarawan ng tatay ko noon,
kahit paano habang naghihintay ng paghupa ng baha, makahulugan ang pag-alala
namin sa kaarawan ng tatay ko.
Mula noon, tuwing sasapit ang huling kwarto ng taon, sumasapit din ang
pinakamalalakas na bagyo. Taun-taon, patindi ng patindi, kasabay nito ang malakas
ding “kabog” ng dibdib dahil “babaha” na naman.
Nitong taon lamang, sunod-sunod ang kalamidad na naranasan nating mga
mamamayan sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kamakailan lamang sa lalawigan ng
Bataan kung saan ako ay naka-base at isang community organizer ng isang People’s
Organization, ginulantang kami ng matinding pagbaha. Sa loob ng maraming taon
ay hindi dumanas ang Bataan ng lagpas-taong pagbaha lalo na sa Balanga City kung
saan naroon ang aking tirahan.
Subalit, nitong Hulyo 2018 lamang, nagulat na lamang ako nang tumilamsik
ang tubig sa aking katawan pagtapak sa sahig ng aking paa. Pumasok na pala ang
tubig-baha sa loob ng aming bahay-opisina. Pagbukas ko sa pintuan ay malalim na
pala ang tubig-baha sa labas kung kaya nakapasok sa loob ang tubig. Tila “otomatik”
(automatic) binilisan ko ang aking kilos at daglian kong iniangat ang mga
mahahalagang gamit sa ikalawang palapag ng bahay-opisina. Gayunpaman, ang
ibang mga dokumento, libro, at papeles ng opisina na inabot na ng tubig-baha ay
hindi ko na nai-salba pa.
Subalit, walang halaga ang mga nasirang dokumento, libro, at mga papeles na
ito kumpara sa ibang residente ng Bataan na lagpas-tao at bahay ang inabot na lalim
ng baha at malakas na pag-agos ng tubig mula sa bundok patungong dagat. Ganun
na naman, parang si Ondoy, walang itinira sa tao kundi ang kanilang buhay, maliban
sa ilan na hindi pinalad at tinangay ng malakas na agos ng tubig at sa kalaunan ay
namatay, gaya ng ilang matatanda na aking napag-alaman.
Parang pinaglalaruan na “ata ako ng kalikasan, kahit saan ako manirahan,
sinusundan ako ng baha.” Meron pa bang baha-proof o ligtas na lugar sa Pilipinas?
Paano ba talaga natin mapapatigil ang ganitong mga kalamidad na patuloy na