3
A13: Mula Abril hanggang Setyembre ay pagdadagat ang hanapbuhay
dito. Pagdating ng October hangang February, karamihan dito ay
nagbubukid dahil malakas ang dagat.
Q14: Ang tatay mo ay mangingisda din? Siya din ba ay hindi lamang
mangingisda at may iba din siyang pinagkakabuhayan?
A14: Hati ang kanyang hanapbuhay. Mula October hanggang February,
siya ay nagkokopra, at mula Marso at September ay nagdadagat.
Q15: Kayo ay maggugulay lamang?
A15: Oo.
Q16: Kamusta ang kita ng mister mo sa pagkokopra?
A16: Ang asawa ko ay nangungupahan lang. Ang tatay ko ay dating
tenant. Siya ang nagkokopra dati, ngayon ang kapatid ko na dahil
pinamanahan ng tatay ko.
Q17: May pagbabago ba sa hanapbuhay sa pagkokopra?
A17: Napakalaki gawa ng paghina ng bunga ng niyog.
Q18: Ano sa tingin mo na rason sa paghina ng bunga ng niyog?
A18: Nitong nakaraang taon, ang pinakarason ay ‘yung tindi ng init.
Kapag mababa pa lang ‘yung niyog, ‘yung baguhan pa lang
namumunga, kapag mainit na mainit ang panahon, lumiliit ang buo
ng niyog. Hindi katulad noong ako ay maliit pa na naghukas ang
aming nilulukad ng sampung libo.
Q19: Ngayon ay magkano na?
A19: Kung noon ay sampung libo, ngayon ay 1,500 na lang.
Q20: 1,500 sa isang araw?
A20: Sa paglulukad. Sa isang taon ay tatlo hanggang apat na beses na
paglulukad.
Q21: Gaano katagal ang isang paglulukad?
A21: Tuwing ikatlong buwan.
Q22: Ano ang epekto noon sa gastusin sa bahay, na dati ay forty
thousand sa isang taon pero ngayon ay anim na libo na lang sa
loob ng isang taon? Ano ang mga sakripisyo nyo sa gastusin sa
bahay dahil lumiit ang inyong kita?
A22: Kahit ako ay babae, ako ay sumasama na sa pagkokopra at
nangungupahan ako sa mga niyugan para lamang makasalba sa
ganitong panahon, lalo na sa panahon na may ber.