5 Q18: Kumusta naman ang kabuhayan niyo roon pagkatapos ng Yolanda? A18: Mahirap. May mga livelihood projects o pangkabuhayan ang binigay pero pabor lang sa mga babae o lalaki. Pag babae, manicure at pedicure. Pag lalaki, carpentry. Paano kaming mga LGBTQ? Kapag bakla, mapilitan sa carpentry? Hindi siya inclusive. Q19: Ano sa tingin mo ang sanhi ng malakas na bagyong Yolanda? A19: Hindi na siya natural na pangyayari lang. Bukod sa gawain ng mga tao, mga pabrikang nagbubuga ng malalaking usok, palagay ko climate change na rin na nadulot siguro ng mga malalaking petroleum companies. Q20: Paano mo nalaman itong climate change at koneksyon sa petroleum companies? A20: Sa mga trainings at seminar na naimbitahan ako. Dahil naging lider lider ako sa amin, naimbitahan ako ng mga NGOs. Q21: Mayroon pa po ba kayong nais sabihin bukod sa inyong nasabi na? A21: Para sa akin, itong mga malalaking kumpanya ng langis at petrolyo dapat gumawa ng paraan o magbigay ng alternatibo. Maraming nawawalan, maraming magsasakripisyo. Pero kung sa pangkalahatan, bakit hindi gumawa ng alternatibong solusyon? Dapat isipin nila ang kapakanan ng mga tao. Q22: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung kinakailangan? A22: Oo. _________________________ Arthur S. Golong August 14, 2018

Select target paragraph3