5
Q18: Kumusta naman ang kabuhayan niyo roon pagkatapos ng
Yolanda?
A18: Mahirap. May mga livelihood projects o pangkabuhayan ang binigay
pero pabor lang sa mga babae o lalaki. Pag babae, manicure at
pedicure. Pag lalaki, carpentry. Paano kaming mga LGBTQ? Kapag
bakla, mapilitan sa carpentry? Hindi siya inclusive.
Q19: Ano sa tingin mo ang sanhi ng malakas na bagyong Yolanda?
A19: Hindi na siya natural na pangyayari lang. Bukod sa gawain ng mga
tao, mga pabrikang nagbubuga ng malalaking usok, palagay ko
climate change na rin na nadulot siguro ng mga malalaking petroleum
companies.
Q20: Paano mo nalaman itong climate change at koneksyon sa
petroleum companies?
A20: Sa mga trainings at seminar na naimbitahan ako. Dahil naging lider
lider ako sa amin, naimbitahan ako ng mga NGOs.
Q21: Mayroon pa po ba kayong nais sabihin bukod sa inyong nasabi
na?
A21: Para sa akin, itong mga malalaking kumpanya ng langis at petrolyo
dapat gumawa ng paraan o magbigay ng alternatibo. Maraming
nawawalan, maraming magsasakripisyo. Pero kung sa pangkalahatan,
bakit hindi gumawa ng alternatibong solusyon? Dapat isipin nila ang
kapakanan ng mga tao.
Q22: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung
kinakailangan?
A22: Oo.
_________________________
Arthur S. Golong
August 14, 2018