Maganda yun, alam nila ang organisasyon. Pero maraming natatakot, at dahil dito
maski yung pag-unawa ng kanilang mga karapatan ay kinikwestyon na rin nila. Kasi
kung ang mga ito, sinasabing “ito ang iyong mga karapatan”, pero bakit ganun yun
rin ang ginagawa sa kanila? Pwede ko bang iassert ang aking mga karapatan,
samantalang itong group na ito na matagal nang andyan na nagseserbisyo, ay
nirered-tag ang leaders nila, ay hinuhuli, tinetail, at hinaharass.
k. Role of CHR in conducting inquiries. Yung inquiry o pagtingin ng patterns, yung
red-tagging, ay patterns yan. Yung mga sa communities na yung kababaihan ay
naharass, threatened ng rape. Isang negatibo talaga sa mga sundalo ay mas madali
silang makapangloko, makakilala ng kababaihan, lalo na mga young women na
napaka impressionable, na kaibiganin nila. Na dahil trusted na sila madaling ma-rule
into rape, gawing girlfriend, o “asawa” for the time being, pero pag sila ay nabuntis ay
iwanan rin sila. Hindi lamang yung masama sila sa barilan, pero maski yung VAW an
perpetrated by the men in uniform, mas nageescalate yan.
l.
Documentation and education. Yung positive experience sa isang region,
idocument and pwedeng gawin sa ibang region. And education, yung unang gagawa
ng education ay CHR people themselves. Kasi sa pakikipagdeal namin with CHR
people from the different regions, minsan iba-iba rin ang intindi nila dun sa dapat
nilang gawin, sa definition ng kung ano ang rights violation o hindi. Kaya kailangan
din magkaisa. Kaya makakatulong din na may clear indicators. Pero ang indicators
dapat hindi lamang quantitative, dapat rin qualitative. Doon makikita kung yung goal
ay naacchieve o hindi.
m. Government agencies’ silence in WHR violations. I agree with what my
colleagues said about PCW, kailangan ipush pa sila. Sila dapat yung number one
defender ng women's rights. Pero hindi sila masyadong nagsasalita ngayon. At the
same time, challenge din to CHR iyon. As Ombud, anu-ano ba yung mga inilalabas
na executive and administrative orders na ito, na sa tingin ninyo ay against human
rights? O maglilead sa violations ng human rights. Ngayon nagsasalita kayo, but say
more. Yun ang kailangan talaga, akala ng mga tao na tama ang ginagawa kasi wala
masyadong nagsasalita. Kung mga CSOs and NGOs lang katulad namin ang
nagsasalita, sasabihin “eh kasi talagang against yan sa gobyerno from the beginning
til the end”. Merong talagang bite pag nasa government ang nagsasalita.
n. Priority bills towards tyranny and fascism. Maraming batas ngayon ang
sinasabing priority, halimbawa ang amendments to the Human Security Act na hindi
na kailangan magkaroon ng Martial Law declaration sa buong bansa, kasi yung
mismong amendments na yun ay magpput ng buong bansa under martial law hindi
lang ngayon kundi forever, o hanggang ang batas na iyon ay umiiral. Yung
mandatory ROTC, bahagi rin yan towards fascism. Maski yung lowering ng MACR,
and death sentence. Ang daming batas na sinasabing priority ay tyrannical, fascist
talaga. At dapat talaga magsalita ang CHR kaugnay dito.
Page 53 of 62
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents