and writ of habeas data? Hindi kami binigyan, kasi daw yung nilagay namin ay not enough to warrant that kind of writ. Tapos kinasuhan kami ng perjury. Kasi yun daw mga pinaglalagay namin dun ay hindi totoo. Pag nagsalita ka, magcriticize ka, makakasuhan ka. g. Trumped-up charges in Butuan City. ​Hindi ko alam kung alam na ito ng CHR, merong isang lider sa Butuan na nakasuhan among the 200, arson and murder ata yung kaso. Robbery. 200 actually sila, dahil ang daming Jane Does. Nakakatakot yung kasi pag nakuha ka nila, suddenly you're one of the Jane Does, may alyas ka na pala na hindi mo alam. So may mga kaso talaga na inihahain sa amin. h. Death threats and EJKs. ​Yung takot talaga, yung red-tagging at EJK, magkadikit talaga yan. Yun ang sinasabi namin sa aming writ of amparo and habeas data. Hindi lang kami nirered-tag, hindi lang nilalagay sa mga papel na “Gabriela, NPA, terorista” - isa sa ginagawa pa nila ay sinusundan-sundan ang aming mga kasama. At meron na kaming leaders na nakakauha ng death threats, either through social media or text. Ang hirap nun para sa kanila kasi nasa area sila, sa community. Yun yung direct effect. Sa amin, while hindi pa nangyayari, pero sa ibang organizations, after nakuha ang death threat, talagang nagiging bahagi ng EJK. i. The president's sexist “jokes” as policy directives. ​Bakit macho-fascism ang umiiral ngayon? At nagagalit kami kasi deka-dekada naming pinaglalaban ang karapatan ng kababaihan, at sinasabing ang pyudal-patriyarkal culture ay dapat maalis, tapos ngayon binabaliktad yan ng presidente ngayon. Kahit anong sabihin nya, na joke lang yan, hindi yan joke. Ang ginagawa ng joke ay tinitrivialize nya yung isang totoong problema, rape. Yung rape para sa isang babae ay nakakatakot na mangyari yan sa kanyang mga anak. Pangalawa, yung kanyang mga sinasabi, actually policy directive yan, kahit sabihing joke ay tinitingnan yan ng nasa ilalim nya bilang direktiba nya sa kanila. Halimbawa sa drug war, may kasama yang rape, sexual harrassment sa mga kababaihan. Pati sa military, meron ding kaakibat na pang-aabuso sa kababaihan. Yung mga joke ay tinitingnan ng nasa baba nya bilang utos ng presidente para sa kanila. j. Service blockade due to red-tagging. ​Itong red-taggingay nililimit ang aming kakayahan na magbigay ng serbisyo, mag-organisa. Yung aming mga kasama na sumasama sa national interfaith humanitarian mission, nakakasuhan. Halimbawa, pumunta sila sa isang lugar, merong mga bata dun na nasa school na militarized at gustong bumaba. Sumama yung aming mga kasama na ilabas sila dun sa community, nakakasuhan sila ng kidnapping at pag-abuso ng mga bata. O kaya, hindi pinapapasok sa area kahit ang dami nilang goods na dala. Sa women's organizing, meron akong personal experience, nagbibigay ako ng orientation sa Gabriela. May pinakita sa akin na text, “Happy Independence Day, wag kayong paloloko sa sumusunod na komunista-terorista. Garbiela ang isa sa nakalagay. Nagbibigay ako ng orientation, yan ang papakita sa akin. Although tanong ko “ano epekto sayo nyan?” Sabi “ah, actually, matagal na kami nakakakuha ng ganyan, bago pa mag eleksyon”. So parang nakikita nya na “eh kilala naman namin sa inyo”. Page 52​ of 62

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents