3
A11: Maayos naman siya kaso napansin namin na mabilis magferment
yung tuba. Iyong dating nagsimula kami, isa (1) hanggang anim (6) na
oras na hintay namin na pwede pang gawing coco sugar, ngayon
nabawasan na ng dalawang oras. Mga isa (1) hanggang apat (4) na
oras na lang pag lumagpas pa riyan mahirap na siyang buuin yung
coco sap. Pag sobrang init, pumuputi na ang coco sap at hindi na
pwede gawing coco sugar. Pag kulay “pink” okey pa siya, pero pag
pumuti na, matamis pa naman siya pero hindi na magawang sugar.
Q12: Sa inyong paunang salita, nasabi ninyo po na kayo ay dating
barangay kapitana sa inyong lugar. Gaano kayo katagal sa
posisyong ito?
A12: Limang (5) taon.
Q13: Bilang dating kapitana sa inyong barangay, mayroon bang mga
naisangguni sa inyong mga problema na halintulad nito?
A13: Opo, pare-parehas kami halos ng problema. Dahil sa sobrang init,
naapektuhan yung pagkokopras namin at pagtatanim ng gulay. Dati rin
nasasabi sa akin ng mga kasamahan ko na pati iyong huli ng isda
naapektuhan.
Q14: Sa paanong paraan naapektuhan?
A14: Hindi tulad noong araw, lumayo ka lang ng dalawang dipa sa aplya
makakahuli ka na ng maraming isda. Ngayon, mga isang kilometro
siguro bago ka makahuli. Dati rin ang daming klase ng nahuhuli tulad
ng kimpi iyong maliit na talangkang ilog. Ngayon, wala na gaanong
mahuli.
Q15: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung
kinakailangan?
A15: Opo.
________________________
Lerissa Libao
(17 Marso 2018)