3 A11: Maayos naman siya kaso napansin namin na mabilis magferment yung tuba. Iyong dating nagsimula kami, isa (1) hanggang anim (6) na oras na hintay namin na pwede pang gawing coco sugar, ngayon nabawasan na ng dalawang oras. Mga isa (1) hanggang apat (4) na oras na lang pag lumagpas pa riyan mahirap na siyang buuin yung coco sap. Pag sobrang init, pumuputi na ang coco sap at hindi na pwede gawing coco sugar. Pag kulay “pink” okey pa siya, pero pag pumuti na, matamis pa naman siya pero hindi na magawang sugar. Q12: Sa inyong paunang salita, nasabi ninyo po na kayo ay dating barangay kapitana sa inyong lugar. Gaano kayo katagal sa posisyong ito? A12: Limang (5) taon. Q13: Bilang dating kapitana sa inyong barangay, mayroon bang mga naisangguni sa inyong mga problema na halintulad nito? A13: Opo, pare-parehas kami halos ng problema. Dahil sa sobrang init, naapektuhan yung pagkokopras namin at pagtatanim ng gulay. Dati rin nasasabi sa akin ng mga kasamahan ko na pati iyong huli ng isda naapektuhan. Q14: Sa paanong paraan naapektuhan? A14: Hindi tulad noong araw, lumayo ka lang ng dalawang dipa sa aplya makakahuli ka na ng maraming isda. Ngayon, mga isang kilometro siguro bago ka makahuli. Dati rin ang daming klase ng nahuhuli tulad ng kimpi iyong maliit na talangkang ilog. Ngayon, wala na gaanong mahuli. Q15: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung kinakailangan? A15: Opo. ________________________ Lerissa Libao (17 Marso 2018)

Select target paragraph3