2
hindi gaano nabagyo lagi. Pero paiba-iba na rin ngayon. Hindi mo na rin
matukoy.
Q5: In the average po, gaano kalaki ang nawawalang ani o kita dahil sa
damage na dulot ng masamang panahon na iyong isinilaysay?
A5: Dati kasi mga 100 kaban ng palay ang naaani namin kada ektarya—bago ang
1980s. Mula 1980s, pababa na nang pababa. Sa ngayon mga 60 hanggang 70
kaban na lang kada ektarya... kaya parang 30 kaban ang nasisira ng sobrang
init, sobrang ulan, delayed na pagpasok ng tag-ulan at yung sobrang
malalakas na bagyo... kada ektarya kada taon.
Q6: Bakit mayroong dalawang uri ng cropping?
A6: Dahil sa kalamidad, halos kalahati ng produksyon nawawala. Umiiyak ang
mga mambubukid. Pambayad utang na rin kasi wala gaanong naani o hindi
sapat ang ani sa unang cropping. Ang deskripsyon dati, umani ka ngayon sa
main crop mo, nakapag-imbak ka pa sa garong o bodega mo. Noong 1970s
isang cropping sapat na, ngayon hindi na. Kailangan mo mag-second crop
para makabawi sa unang crop na kalahati ay nasira o kaunti ang naani dahil
sa masamang panahon.
Q7: Ano po ang epekto nito (ng kabawasan sa ani at kita dahil sa masamang
panahon) sa mga miyembro ninyong magsasaka?
A7: Kapag nadaanan ng kalamidad ang aanhing palay, gulay at iba pang
pananim ay mababaon sa utang ang mga magsasaka, masasakripisyo ang
pagkain ng pamilya, ang pag-aaral ng mga anak. Ang masaklap dito ay
mababaon sa utang… pag nabaon sa utang kadalasan mai-elit ang lupa ng
mga pinagka-utangan na kadalasang nangyayari sa ngayon… manggagawa o
trabahador nalang ang dating may-ari ng lupa. Kadalasan kung tawagin sila
ay barok sa Nueva Ecija. Dahil sa sitwasyong ito marami sa mga magsasaka
sa ngayon ang inaabanduna na ang pagsasaka o ayaw na nilang isalin sa
kanilang mga anak ang pagiging magsasaka.
Q8: Sa inyo pong sariling karanasan? Ano ang epekto sa iyo at iyong
pamilya?
A8: Pagkabaon namin sa utang ay kahulugan ng pagkalugmok naming sa
kahirapan. Ang pinakamasaklap dito’y nawala na sa amin an gaming bukid
kaya an gaming pamilya ay nakikisaka o umuupa na lang.
Q9: Sa ganitong pagkakataon na nasasalanta ang inyong mga pananim,
mayroon ba kayong tulong pinansyal na nakukuha sa lokal na
pamahalaan?
A9: Walang makunan na pondo pagnasalanta. Ang sagot kasi ng gobyerno ay
“crop insurance.” Ang nai-insure lang ay kalahati, hindi buo. Hindi
nakukuha o narerecover ng magsasaka iyong kalahati, kaya uutang siya para
sa kalahati. Nalulubog sila sa utang dahil doon kasi kailangan din nila ng
pondo para makapagtanim sa ikalawang cropping. Dasal na lang ang
ginagawa ng mga mambubukid.