n‟yo „yun. Anong sona ang mangingibabaw? Ang nasa ADSDPP o ang PAMB?
Dapat sa ngayon ay pinagsasanib na ninyo ito.
Q, Leonida Calibuso, SKTM: Pinagbabawalan kami na magkaingin pero
mismong ang mga nasa barangay na hindi naman IP ang gumagawa nito. Tapos
pinahahanap sa amin ng PAMB papano namin sa sabihin „yun mga taga-barangay
nga.
Q, Amay Teliong: Nagpadala po kami sa ELAC ng kaso namin, ASAKA case.
Anong nangyari doon? Para naman sa DENR, may application na kami ng CADT
tapos mayroong application na iba at pinapayagan ito ng DENR.
A, Atty. Lumilis: Ito ay kaso na isinampa IP vs. Non-IP. Ang sinasabi dito
naisampa ang kaso bago pa nagdesisyon ang Supreme Court ng Unduran case. Ang
magiging desisyon nito ay magbabase sa Unduran case. Ang advise namin ay i-file
na lamang ito sa regular court. Kahit wala pang desisyon ang NCIP wala na silang
jurisdiction dahil IP v. Non-IP ang kaso ninyo.
Q, Herbert Dadizon: Ako na lang po ang magpaliwanang, naunang nag-apply sa
CADT tapos may mga Katutubong nag-apply na naman ng SIFMA (Socialized
Industrial Forest Management Agreement) at pinapayagan ito ng DENR. Ang
tanong bakit?
A, Mr. Lilang: Kung gusto ninyo ang CADT „yun na lamang. Ang i-follow up ninyo
ay ang sa NCIP. Kung mag-submit kayo sa amin ng mga dokumento natural lamang
na i-receive namin „yun.
Q, Rey Boja, Roxas: Ang lupa ay tinirahan ng lola ko noong maliit pa ako pero
mayroong may-ari ng lupa. Noong umalis ako ibinenta ng lola ko ang lupa. Pagbalik ko sabi ko kukunin ko ang lupa ibabalik ko ang pera. Ang sabi ng barangay isurvey ang area at hahatiin na lamang. Ang gusto ko ibalik ko ang pera dahil ang
pagka-bili ay P2,500 lamang at ang lawak ng lupa ay kalahating ektarya.
A, Atty. Chan: Kung lupaing ninuno „yan p‟wede mong isoli ang P2,500. Ang
barangay ay walang karapatang mag-survey ang trabaho nila ay mag-settle lamang.
A, Atty. Agusti: Wala pong karapatan ang barangay na magdesisyon para sa inyo.
Ang gawain ng barangay ay magkasundo kayo at magkaroon ng settlement na
tinatawag. Ang importante lamang ay dapat kayo ang naka-pwesto doon at huwag
kayong aalis doon.
Q, Rey Boja, Roxas: Ang lupa ay mayroong ibang naka-tira.
A, Atty. Chan: Ang akala namin kayo ang naka-pwesto kaya ang best way ay ang
sinasabi ng barangay. Hatiin na lamang at i-survey. Magkakaroon ka pa ng lupa.
Kasalanan ito ng mga lola mo dahil sa kapabayaan at dahil hindi kayo ang nakapwesto doon mas maganda na nga ang sinasabi ng taga-barangay na hatiin. Kaya
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[42]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents