A, Atty. Chan: Tandaan n‟yo lamang na ang sinasabi ni Pañera na guidelines ay
hindi lalagpas sa customary law ninyo. Mangingibabaw pa rin ang customary law
ninyo bago ang guidelines nila dahil „yun ang naka-lagay sa inyon IPRA.
Q, John Mart: Para sa katanungan ng ating mga kasamahan na IPMR, kung ao daw
ang desisyon ng En Banc sa aming sulat. Para sa kaalaman ng ilan ang legitimate na
Katutubo dito sa Puerto Pricesa ay Batak at Tagbanua lamang. Sila lang rin ang
mayroong lupaing ninuno dito sa Lungsod ng Puerto Pricesa, bagamat ang
karamihan na naka-upo sa gobyerno ay puro Cuyunin, Cagayanen at ibang tribo.
Ang sulat namin ay nabigay na kay Chair para ipa-walang bisa ang naunang gabay.
Kaya sana bigyan ng representasyon ang dalawang (2) tribo dahil sila ang vulnerable.
A, Atty. Agusti: Kukuha na lamang po ako ng bagong guideline at babalikan ko po
kayo sa update.
Q, Rodolfo D. Bulagis: Para sa mga IPMR na magtatapos na ng termino hindi ba
p‟wedeng bigyan muna ng ilang buwan para hindi naman bakante dahil wala pang
napipiling uupo?
A, Atty. Agusti: Ilagay n‟yo po sa local na gabay ninyo.
A, Joel Limsa: Allowed tayo sa national guidelines ng 1-month acting capacity.
Ang comment ko lang ay hindi sapat ang isang buwan pero wala na tayong
magagawa doon.
Q, Virgilio Q. Jacorang, Marufinas: Pinagbabawalan po kami na magkaingin.
Alam naman namin kung ano ang kahoy na hindi dapat kunin, pero kinagisnan na
namin ito at parang kulura at tradisyon na namin ito na ngayon ay nawawala na
pagbabawal dito.
A, Mr. Lilang: Sa ating po may tinatawag tayong PAMB (Protected Area
Management Board) kasama ang Kapitan at mayroong representative ang mga
Katutubo. Naka-harmonize lahat „yan para hindi magkaroon ng problema ang
protected area at ang management plan ng Katutubo. Gawa kayo ng sulat at address
sa PAMB para mapag-usapan doon.
A, Atty. Lumilis: Nag-attend po ako ng Conference sa ICCA at napag-usapan doon
na ang ibang AD ay nasa loob ng protected area. Sa loob ng PAMB talo tayo sa
botohan dahil kulang ang nandoon na naka-upong Katutubo. Isinusulong ng NGO
na Bukluran ang isang batas para linawin ang tungkol sa mga katanungan na ganyan.
A, Atty. Chan: Habang wala pa ang batas babalik tayo sa interpretasyon ng
nakaluklok sa ating gobyerno, DENR, city or PAMB. Ang dapat sa isang luaping
ninuno na nakapaloob sa protected area ay p‟wedeng magkaingin depende sa sona.
Kung ang ikaka-ingin ninyo ay personal use, multiple use or IP zone, communal
areas – p‟wede. Pero kung iyon ay sagradong lugar ninyo kahit naman kayo ayaw
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[41]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents