4 maiyak sila ng makita kami. Sa kabila ng lahat, parang nabunutan ako ng malaking tinik nang makita ko sila na kumpleto at ligtas na sa baha. Gayunpaman, matapos na humupa ang tubig-baha, lumantad naman ang gabundok na putik at mga gamit sa bahay na nagkarambola sa loob ng bahay. Nakakapanlumo na ang sumunod na mga eksena, ultimo personal na mga gamit gaya ng underwear, toothbrush… ay hindi na mapakinabangan. Iniisip ko pa lang ang gahiganteng limasin, pagod na ako. Paano kami magsisimula? Saan kami magsisimula? Paano kami mabubuhay? Saan kami matutulog? Saan kami magluluto? Saan kami kukuha ng pagkain? Nakaligtas nga kami sa peligro ng pagkalunod sa baha pero baka mamatay naman kami sa gutom at sobrang pagod. Ang daming tanong, ang daming isipin. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip at masakit na ang katawan ko sa kakalimas ng tubig at putik. Malupit si Ondoy, halos wala siyang itinira sa amin. Ang kabuuan ng ipinundar ng pamilya sa mahabang panahon sa ilang sandali lamang ay nawala lahat. Pero ipinagpapasalamat ko pa rin na ligtas ang buong pamilya. Sumunod na mga araw, ibang problema naman ang sumulpot. Kawalan ng malinis na tubig, inuming tubig, pagkain, basura, at higit sa lahat kalusugan. Kaakibat ng paglilimas sa putik, ang banta ang “leptospirosis” outbreak sa aming lugar dulot din ng baha. Tinamaan ng leptospirosis ang tatay ko dahil sa bukas at sariwang sugat dulot ng pagkakapako ng kanyang paa at tulad ng iba, nanatili din siya sa ospital ng dalawang (2) araw. Mabuti pa rin at nakaligtas siya sa tiyak na peligro, pero ang ilan sa aking mga kapit-bahay at kabaryo, sinawing-palad at hindi nakaligtas sa inpeksyon na dulot ng leptospirosis. Dahil sa Ondoy, naitulak ang buo kong pamilya na makitira muna sa bahay ng aking kasama sa Fairview. (3) Tatlong buwan din kaming nakitira sa bakanteng bahay sa Fairview. Samantala, ang mga pamangkin ko ay nakipisan muna sa mga kamag-anak na hindi nabaha sa Marikina para sa kanilang pag-aaral. Tuwing weekend ay umuuwi sila sa Fairview. Lahat ay “naiba” ang pamumuhay matapos ang Ondoy. Sa Ondoy, naramdaman ko ang pinakamahirap na pakiramdam— ang pagbaba ng dignidad. Alam ko na hindi handa ang gobyerno sa kalamidad gaya ng Ondoy kaya marami sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ay hindi alam ang gagawin, walang sistema, at hindi organisado. Makikita ito sa kung paano rumesponde sa mga nasalanta. Ilang beses din akong pumila para makakuha ng tulong o relief. Matiyaga kaming pipila, kasama ang maraming kababaihan, bata, tatay, nanay, lolo, lola, bading, at tomboy sa pagdating ng “relief” truck para maghagis ng anumang pagkain o goods. Palakasan sa pisikal na pangangatawan ang labanan, uuwing walang nakuha ang mahihina at matatanda. Minsan naman, maaga na kaming pipila kahit wala pa ang relief, magpapalista ng pangalan at maghihintay ng buong pasensya at tiyaga dahil matapos ang maraming oras darating na ang mamamahagi ng relief. Nakakatuwa dahil may mga namimigay ng damit. Pero ang hindi nakakatuwa ay iyong makakatanggap ka ng

Select target paragraph3