5
Q17: Ano naman po ang mga napag-usapan ninyo?
A17: Maraming mga anak ng mangingisda ngayon ang hindi nakakapag-aral
na o nahinto sa pag-aaral bunga ng kahirapan ngayon sa pangingisda
hindi tulad noon. Napipilitang maghanap-buhay ang mga anak ng
mangingisda imbes na mag-aral. Sumasama sila sa mga magulang nila
para mangisda.
Iyong karamihan mga edad 13-16 sumasama sa maliliit na kapitalista
(commercial fishing) na may-ari ng mga bangka. Nao-obliga sila
sumama, lalaot sa umaga o kaya sa gabi. Hindi ka makapangisda kung
ikaw lang, mahirap… kaya sasama ka sa mga kapitalista. Kasi kahit
wala silang huli, may sandalan sila… dito sa mga kapitalista sila
makaka-utang. Babayaran nila iyong utang nila kapag may huli ng
mga isda… partehan ang nangyayari. Nabubungsod sila sumama sa
ganitong sistema para mabuhay… makakain…
Mga mangingisda paparte… kapag walang nahuli, hihinto sila…
uutang ng bigas para makakain. Iyong utang na iyon… kapag walang
huli at partehan, mababaon ka talaga sa utang.
Pati mga kababaihan ngayon ay lumalahok na sa produksyon ng
pangingisda para makaraos sa pang araw-araw. Ang mga babae ang
nagtatahi ng mano-mano ng lambat… paghahayuma ng lambat kung
tawagin.
Bulnerable ang buhay ng mga mangingisda. Pati tirahan namin
nalalagay sa “danger zone” dahil sa pagbabago ng klima at kalamidad
na hindi maipaliwanag. Ang mga bahay ng mangingisda, malapit sa
dagat. Hindi mo kami pwede ilayo sa tubig kasi diyan ang kabuhayan
namin. Hindi lang bahay pati ang bangka nasisira kasi sa tabi lang
naman ng bahay nilalagay ang bangka. Dati kasi bibilang ang taon
bago magkaroon ng malalakas na bagyo. Ngayon, ito na ang naging
normal.
Q18: Ano naman po ang ginagawa ng inyong samahan para matugunan
ang mga problemang ito?
A18: Sinisikap din naming tumulong sa pag-reforest ng mangroves. Wala
naman kaming miyembro na gumagamit ng dinamita, trawl… kung
mayroon man gumagamit ng fine fish net, ito ay tulak ng
pangangailangan… tulad ng paghuhuli ng alamang… kasi kelangan
maliit ang mata ang gamitin doon, kung hindi lulusot naman ang
alamang at maliit na isda
.
Tingin namin kailangan talagang protektahan ang ekolohiya ng ating
karagatan. Pero ang tingin namin hindi kami ang malaking
kontribyutor sa usaping pagbabago ng klima o climate change. Ang
mga malalaking industriya tulad ng coal power plants… kasi hindi
lang dagat ang nilalason nila, pati hangin.