2 Q6: Maaari ninyo po bang ilarawan ang inyong buhay bilang mangingisda noon? A6: Dati, sandali lang kami mangisda pero maraming huli na. Nabebenta namin yung huli naming talakitok at iba pang mga isda mga PhP3.00 kada kilo. De-sagwan lang kami noon ha. Kasi dati nagkagiyera diba sa may Manila Bay. Iyong mga nalubog na mga barko naging mga bahura (coral reefs) at naging tirahan ng mga isda. Nangingisda kami sa mga bahura na iyon. Nahuhuli namin malaking talakitok, bangbangin, asugon (barakuda) at iba pa. Halimbawa, limang (5) kilo ang karaniwang laki at kadalasan 3-6 na piraso ang nakukuha namin sa halos kalahating araw lang. Q7: Paano po ba ang sistema ng pangingisda ninyo noon? A7: Hook-and-line gamit namin at de-sagwan kami. Aalis kami mga alaskwatro ng umaga (4:00 a.m.) tapos darating kami sa lugar na pangisdaan ng mga alas-siyete ng umaga (7:00 a.m.). Mangingisda kami hanggang mga alas-dose (12:00 noon). Tapos marami na kami huli at uuwi na kami. Hindi uso ang “cooler” noon kasi matagal mabilasa ang isda hindi tulad ngayon na saglit lang ang oras, bilasa na kahit de-motor pa ang bangkang gamit. Q8: Nasabi ninyo po na mangingisda po pa rin kayo hanggang ngayon. May kaibahan po ba ang pangingisda ninyo noon at ngayon? A8: Malaki ang pagkakaiba. Q9: Ano po ang kaibahan? A9: Nangingisda na ako mula ng pagkabata. Nasubaybayan ko iyong untiunti kaming lumalayo para lang makapangisda. Lumiliit din ang mga huli. Kung dati nakakakuha pa kami ng magagandang isda tulad ng Lapu-lapu, Bambangin… at ang kadalasang huli noon ay pumapalo sa 15 hanggang 30 kilos. Sa panahon ngayon “jackpot” na iyong makaaverage ka ng limang (5) kilo araw-araw. Kasi kahit limang (5) kilo mahirap na mahuli. Bihira na rin makahuli ng talakitok at bisugo na dati normal na nakukuha namin sa paraan ng pangangawil (hook-andline). Ngayon kahit de-motor na, kailangang maghapon o buong magdamag na sa laot para lang makahuli ng sapat. Gaya ng sabi ko kanina, apat (4) na oras sariwa pa ang isda. Ngayon, pag wala kang dalang “cooler” bilasa na ang mga isda dahil sa tindi ng init at marahil sa resistensya ng isda dahil nga mainit at nagbago na rin ang “environment” nila. Mga dalawang (2) oras bilasa na ang isda. Bagama’t makakain pa siya, medyo may amoy na o kaya kakamutin mo yung dila mo kasi makati na siya. Dati, malapit lang kung kami ay mangisda… mga isa (1) hanggang pitong (3) kilometro lang ng de-sagwan. Ngayon dumadayo na kami sa ibang lugar at malayo na… mga tatlo hanggang anim (3-6) oras na biyahe de-motor. Doon kami nangingisda sa hindi mo na matatanaw

Select target paragraph3