E-Library - Information At Your Fingertips: Printer Friendly
7 of 14
http://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocsfriendly/1/62543
14. Maya maya ay tumawag sa telepono ang asawa ni
Jacqueline Cruz at nag away silang mag asawa sa [telepono].
15. Tanggal ang kalasingan ni Jacqueline Cruz sa sigawan nila
sa telepono at dalidali na siyang umuwi kasama ako.
16. Na pagdating [namin] sa bahay derecho si Jacqueline Cruz
sa banyo at naligo. Hindi niya isinara ang pinto sa kuwarto
niya.
[17.] Hindi niya rin iniutos na isara ko ang gate at main door.
Iniisip ko na lamang na dahil narinig ko na pinasusunod niya si
Avelino Angeles sa bahay.
[18.] Na mayamaya ay lumabas ng banyo si Jacqueline Cruz at
walang kahit anong saplot sa katawan ay humiga sa kama,
bukas ang pinto at nilagyan lang ng tuwalya ang ibabaw na
katawan. Wala ng bahid ng kalasingan sa mukha at kilos ni
Jacqueline Cruz.
[19.] Maya maya ay nakila ko si Avelino Angeles sa kuwarto.
Hindi na ako nagtaka dahil alam kong pinasunod ito ni
Jacqueline Cruz.
[20.] Na nakita ko na akma pa lang gigisingin ni Avelino
Angeles si Jacqueline Cruz pagdilat niya ay nakita niyang
nakatingin ako, kaya bigla siyang sumigaw.
[21.] Na walang paghalik sa dibdib na nangyari sa kuwarto
sapagkat nakikita ko kung ano ang nangyari. May halikan na
nangyari sa dalawa ngunit hindi sa kuwarto kundi sa may puno
ng mangga sa may videoke.
[22.] Mapatutunayan ko na walang puwersahan nangyari sa
pagpasok ni Avelino Angeles sa kuwarto ni Jacqueline Cruz.
Kagustuhan ni Jaqueline Cruz na pumunta sa bahay niya si
Avelino Angeles para paligayahin siya, ayon sa nadinig kong
sinabi niya kay Avelino Angeles.
[23.] Matapos akong palayasin ay umuwi na ako sa bayan
namin at ang ayokong tumestigo sa kaso ni Jacqueline Cruz na
ipakulong ang taong wala [namang] kasalanan sa kanya.
[24.] Na hindi ko inakala na maaari pa akong magbigay ng
salaysay sapagkat pinapirma na ako ni Jacqueline. Nang
mabalitaan ko sa Ternate na convicted daw si Avelino Angeles,
nagtaka ako sapagkat hindi naman ako natuloy magtestigo. At
alam kong walang kasalanan si Avelino Angeles.
4/21/2020, 9:21 AM