2 Q6: Kamusta naman ang tag-ulan noon? Gaano kadalas ang tag-ulan kung inyo pang naaalala? A6: Noon, July to August, umuulan yan. September to December, magsisimula na kami magtanim. Ngayon, minsan umuulan, minsan hindi. Ngayon, sunud-sunod na malakas. Noon, may malakas, may hindi. Ngayon, palakas nang palakas. Sa sobrang pag-uulan nasisira ang pananim namin. Q7: Mayroon pa bang ibang epekto ang pagbabago ng klima sa inyong pagsasaka? A7: Oo, sa aming tradisyon. Noon, isinasagawa pa namin ang baki. Ang baki ay isang ritwal bago magtanim. Ngayon, nabago na. May bagong estilo na ang pagtatanim. Mag-baki ka bago ka magtanim. Ngayon, nabago kasi maraming pamamaraan o estilo. Minsan ayaw nila ang baki kasi mahirap daw gawin. Q8: Pakilarawan nga po ang baki? A8: Ritwal namin ito kapag nagtatanim kami. Nauunang magtanim ang may malaking palayan bago kami. Nag-aalay kami ng baboy o manok bago magtanim at pagkatapos ng pag-aani. Q9: Paano naapektuhan ng pagbabago ng klima ang inyong tradisyon na baki? A9: Hindi na na-oobserbahan ang baki kasi minsan may nauunang magtatanim, minsan may nahuhuli. Minsan may nagtatanim, minsan wala. Ngayon, nabago na ang kalendaryo ng pagtatanim ng bawat isa dahil na rin sa pagbabago ng klima. Wala pang bagyo, pero inaani na ang mga palay. Q10: Bakit nabago na ang kalendaryo ng pagtatanim ng bawat isa? A10: Siguro natatakot sila na mabagyo at mamatay ang mga pananim nila kaya iba-ibang kalendaryo ang sinusunod na at hindi ang baki. Q11: Ano ang magiging epekto, kung mayroon man, ng hindi pagsunod sa baki? A11: Kapag mawala ang baki, wala ng mag-aalay. Kapag wala ng magaalay, wala ng masaganang ani. Kapag mamamatay na ang matatanda, wala ng magpapatuloy nito. Mawawala na ang aming tradisyon na siya pang ipinasa sa amin ng aming ninuno. Q12: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung kinakailangan? A12: Oo. Buucan Hangdaan August 14, 2018

Select target paragraph3