Access to Remedies Alam mo ba ang gusto mong gawin? Mga lunas o proteskyon ng batas at pagkuha ng mga ito ! HINDI Biktima ka ba ng isa o mahigit pa sa mga ito: ↗ VAWC ↗ Rape Maaaring kumonsulta sa, Public Attorney's Office (PAO), Integrated Bar of the Philippines (IBP), Commission on Human Rights (CHR), o mga women's NGOs. HINDI OO Kasalukuyan bang nagaganap ang krimen? ↗ Trafficking ↗  Sexual Harassment HINDI Kung may kilala kang biktima, maaaring ibahagi ang mga nilalaman ng Ending GBV booklet na ito sa kaniya. Maraming salamat! OO Pumunta o tumawag sa barangay o PNP, o humingi ng tulong sa kaibigan na maaaring tumawag sa kinauukulan. Dumiretso sa pinakamalapit na ospital kung kinakailangan. Hanapin ang Women & Children Protection Unit, kung mayroon. Hindi ka ba binigyang-pansin ng mga ahensiyang nabanggit? Binalewala ba ang iyong reklamo? Bastos o insensitibo ba ang pagtrato sa iyo? Kunin ang pangalan ng opisyal na nakausap, itago ang mga dokumento, at i-report ang pangyayari sa Commission on Human Rights (CHR) o sa Office of the Ombudsman. 16 Ikaw ba ay minor de edad (under 18 years old)? Tumawag sa Bantay Bata 163. OO Gusto kong ipakulong ang maysala. Pumunta sa PNP Women's Desk kung saan nangyari ang krimen at magbigay ng salaysay. Maaaring ikaw ay hingan ng medico legal certificate. Gusto kong matanggal sa trabaho ang salarin. Ipaalam ang reklamo sa kaniyang pinagtratrabahuan (publiko man o pribado), o sa Professional Regulation Commission (PRC) kung siya ay isang propesyonal. Gusto ko ng ligtas na lugar na matutuluyan, o mabigyan ng payo ukol sa kabuhayan, o makatanggap ng psychosocial counselling. Kung biktima ng online sexual harassment: Gusto kong matigil at matanggal ang mga post na nakababastos sa internet. Kung biktima ng VAWC: Gusto kong hindi na maulit ang pambubugbog at gusto kong malayo sa akin / sa amin ng aking anak ang salarin. Pumunta sa Municipal or City Social Welfare and Development Office (MSWDO/CSWDO) o sa barangay, kung may VAW shelter. I-screen capture ang mga ebidensya at magreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Unit o sa Philippine National Police (PNP) Cybercrime Unit. Maaari ring i-report sa onlie platform mismo ang pangyayari. Pumunta sa¹: ↗  Barangay para sa B/PO (15 days) ↗  Korte para sa T/PO (30 days) ↗  Korte para sa P/PO ¹  Mayroong tatlong klase ng protection order para sa mga biktima ng VAWC. Ang Barangay Protection Order (B/PO) binibigay ng Punong Barangay matapos mag-report sa Barangay VAW Desk. Ang Temporary o Permanent Protection Order (T/PPO) naman ay makukuha sa family court kung saan kasalukuyang nakatira ang babae. Kung walang family court, ang protection order ay maaaring i-file sa regional trial court, metropolitan trial court, municipal trial court, municipal 17 circuit trial court kung saan nakatira ang babae. Ang B/PO ay hindi kinakailangan para makapag-file para sa protection order sa korte.

Select target paragraph3