Though on the CBD, while others opt for it, ang recent experience namin sa TAMASCO ay
nag CBD kami, pero paglingon ng kasama namin merong hooded guy na nagtetake ng
pictures. So over the past months we were losing trust sa CBD, but of course depende yan
sa area. Because it has been used as a way to identify yung aming mga kasama.
SI Riza Isnani-Concha, CHR XII - About sa CBD, sa amin, yung house rules ay klaro. Bawal
ang taking of pictures, kasi picturean ang attendance, kasi doon yung info.
Darwin, CHR Policy Office: Hindi dahil popular ang isang bagay ay tama. Pero kasi sa dami
ng maling ginagawa ng pangulo, lalo na sa mga sinasabi nya sa mga kababaihan, ang
question is bakit nanatili pa rin syang popular, sa kabila ng mga pagkakamali nya. Ano kaya
ang magandang gawin ng CHR in partnership doon sa CSOs para mabago ito.
Ms. Maricel Aguilar, UN Women: Mabilis lang na reaction, yung word na popular siguro it
has been checked. What you can see online, it might be an indicator of him being popular,
but if you go to the grassroots level, or to those communities that have been victimized by
human rights violations, iba yung narrative. I think yung popularity, nagdwindle. It has to be
in check. If you remember in 2016 there really was heightened popularity for this president.
But the surveys would show you an indicator of how the popularity has been stable. If you
look at the statistics, hindi pwedeng maging stable yan kasi over the years, popularity in
terms of policy is nagddwindle. Bottomline ko lang is the popularity must be held in check.
And also ensure the need to generate a whole of nation approach, hindi lang yung mga civil
society in creating an environment that is actually respective of people’s diversity and rights
of women. Ang problema din kasi, gamit na gamit yung mainstream media, yung
newspapers. So saan ka tatakbo? Yung pag-oorganisa ay napakahalaga, at sa grassroots
babalik ulit yung una at simulang gawain ay yung pag-oorganisa.
Ms. Ranjo-Libang, Gabriela: At yung on ground campaign, halimbawa, yung epekto ng
TRAIN lang, galit ang mga tao talaga dyan. Kasi ibig sabihin kagutuman para sa kanila yan.
Actually, kung minsan, TRAIN, hindi nila naiintindihan pero pag nag-on ground ka, sasabihin
mo “ibig sabihin nito ganito, ito ang ibig sabihin ng TRAIN”. Halimbawa sa isang community
namin marami talaga dun pro-Duterte. Sila apektado na lang ng TRAIN law, nasa isang
lugar pa sila na aalisin sila dahil sa Build, Build, Build na ang nagpopondo ay galing sa
TRAIN. Kaya ang sinasabi nila, kami pala ay ginigisa sa aming sariling mantika ng dalawang
beses, hindi lang minsan.
Ms. Judy Pasimio, LILAK: Dagdag rin, yung popularity kailangan i-check. Kunyari, may mga
kwento sa isang roundtable discussion, na bago raw gumawa ng nakaschedule survey, may
mga patayang nangyayari. Tapos pagpasok, tatanungin ng very ambiguous na tanong na
“gusto mo pa ba nila si Duterte?” So out of fear, sumasagot ng positive. Hindi naman siguro
sa laht ng area, pero merong case na ganyan.
Ikalawa, inaasociate yung popularity nya sa popularity ng war on drugs sa pagpayag sa
patayan. Survey has also shown na gusto ng mamamayang Pilipino na buhay ang mga
nadampot sa war on drugs. Tapos recently, bukod po sa TRAIN, nasa defensive na talaga
ang Duterte administration sa isyu ng patayan dahil dun sa human rights council resolution.
Page 55 of 62
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents