Maganda yun, alam nila ang organisasyon. Pero maraming natatakot, at dahil dito maski yung pag-unawa ng kanilang mga karapatan ay kinikwestyon na rin nila. Kasi kung ang mga ito, sinasabing “ito ang iyong mga karapatan”, pero bakit ganun yun rin ang ginagawa sa kanila? Pwede ko bang iassert ang aking mga karapatan, samantalang itong group na ito na matagal nang andyan na nagseserbisyo, ay nirered-tag ang leaders nila, ay hinuhuli, tinetail, at hinaharass. k. Role of CHR in conducting inquiries. Yung inquiry o pagtingin ng patterns, yung red-tagging, ay patterns yan. Yung mga sa communities na yung kababaihan ay naharass, threatened ng rape. Isang negatibo talaga sa mga sundalo ay mas madali silang makapangloko, makakilala ng kababaihan, lalo na mga young women na napaka impressionable, na kaibiganin nila. Na dahil trusted na sila madaling ma-rule into rape, gawing girlfriend, o “asawa” for the time being, pero pag sila ay nabuntis ay iwanan rin sila. Hindi lamang yung masama sila sa barilan, pero maski yung VAW an perpetrated by the men in uniform, mas nageescalate yan. l. Documentation and education. Yung positive experience sa isang region, idocument and pwedeng gawin sa ibang region. And education, yung unang gagawa ng education ay CHR people themselves. Kasi sa pakikipagdeal namin with CHR people from the different regions, minsan iba-iba rin ang intindi nila dun sa dapat nilang gawin, sa definition ng kung ano ang rights violation o hindi. Kaya kailangan din magkaisa. Kaya makakatulong din na may clear indicators. Pero ang indicators dapat hindi lamang quantitative, dapat rin qualitative. Doon makikita kung yung goal ay naacchieve o hindi. m. Government agencies’ silence in WHR violations. ​I agree with what my colleagues said about PCW, kailangan ipush pa sila. Sila dapat yung number one defender ng women's rights. Pero hindi sila masyadong nagsasalita ngayon. At the same time, challenge din to CHR iyon. As Ombud, anu-ano ba yung mga inilalabas na executive and administrative orders na ito, na sa tingin ninyo ay against human rights? O maglilead sa violations ng human rights. Ngayon nagsasalita kayo, but say more. Yun ang kailangan talaga, akala ng mga tao na tama ang ginagawa kasi wala masyadong nagsasalita. Kung mga CSOs and NGOs lang katulad namin ang nagsasalita, sasabihin “eh kasi talagang against yan sa gobyerno from the beginning til the end”. Merong talagang bite pag nasa government ang nagsasalita. n. Priority bills towards tyranny and fascism. ​Maraming batas ngayon ang sinasabing priority, halimbawa ang amendments to the Human Security Act na hindi na kailangan magkaroon ng Martial Law declaration sa buong bansa, kasi yung mismong amendments na yun ay magpput ng buong bansa under martial law hindi lang ngayon kundi forever, o hanggang ang batas na iyon ay umiiral. Yung mandatory ROTC, bahagi rin yan towards fascism. Maski yung lowering ng MACR, and death sentence. Ang daming batas na sinasabing priority ay tyrannical, fascist talaga. At dapat talaga magsalita ang CHR kaugnay dito. Page 53​ of 62

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents