3 Paglabas namin ng La Salle, walang masakyan. Alalang-alala na ako sa mag-anak ko na naiwan sa bahay namin sa San Mateo. Kung baha na sa Maynila, sigurado akong mas malalim na ang baha sa aming lugar dahil mababang bahagi iyon. Ilang oras na ay wala talagang masakyan. Kaya naglakad kami nang naglakad. Kung saan-saan kami nakarating pero walang masakyan. Basang basa na kami sa ulan at baha. Walang masilungan at walang mapagpahingahan kahit maihian. Magkakasama na ang luha, ulan, tubig-baha at ihi sa katawan ko. Nabasa, natuyo, nabasa ang suot ko. Namimitig at nanginginig na ako sa lamig. Pero ang isip ko ay naroon sa kung ano ang nangyayari sa aming lugar. Kumusta na kaya ang mga anak ko. Inabot na kami ng gabi, hanggang mag-madaling araw pero wala pa ring masakyan. Nang sa wakas ay makarating kami sa aming Barangay, itinaboy din kami sa evacuation center. Hindi na kami naka-diretso pauwi ng aming mga bahay dahil ang buong Barangay ay nakalubog na sa baha. Salamat sa Diyos at buhay at ligtas ang mga anak ko...pero kapag naaalala ko ang mga nangyari tulad ngayon, natatakot ako, nangangamba, at nananalangin na huwag na sanang maulit ang Ondoy. Pero sa mga napag-aralan namin tungkol sa climate change, may mga katulad pa ng Ondoy na darating na maaring mas malalakas at matitindi. Nakikita ko rin iyan sa aming mga ginagawa sa Buklod Tao. Noon, tatlo-apat na bangka lamang ang pang-rescue. Sa ngayon, mas marami nang bangka ang kailangan para mag-rescue. Patuloy na lumalaki ang gastos sa rescue operations -gas, pagkain, first aid at iba pa. Alam ko ito kasi ako ang nag-aasikaso ng mga pam-pinansyal at pang-administratibong bahagi ng rescue operations. Kung hindi mapipigilan ang mga sanhi ng climate change, hanggang saan makararating ang rescue operations na may limitadong pondo? Ito lamang po. Nakahanda po kaming panumpaan ang mga salaysay na ito. ______________________________ Manuel A. Abinales _____________________________ Pablo Taon III ___________________________ Francia M. Encinas

Select target paragraph3