tahanang uuwian pa. Sa dinami-dami ng mga bagay na tinuro nila sa akin, ay hindi ko rin
maiwasan isipin kung normal nga ba talaga ako o kung may mali sa akin.
Katulad ng karanasan kong ito ay ang milyon-milyong kaso ng diskriminasyon laban
sa LGBTQI community na nangyayari sa loob ng tahanan. At ang mga kasong ay hindi biro
sapagkat ang kawalan ng seguridad at pagtanggap mula sa sarili mong pamilya ay
nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng isang tao.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko ito rerespondehan. Ngunit
alam ko na sa munting pagpapakalat ng tamang impormasyon at adbokasiya ay nakakatulong
ako sa iba. Patuloy na muna akong mabubuhay sa mundong ginawa ko na malayo sa kanila
at haharapin ito pagdating ng oras na ako’y handa na.
VI.
“Sushmita”
Queer
Sushmita, 25
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents