Salaysay ni Bb. Lerissa Libao
Lerissa Libao, 62 years old, community leader at dating barangay kapitana
sa Villa Jesus Weste, Alabat, Quezon.
(Ang Salaysay ni Bb. Lerissa Libao ay kinuha noon 08 Marso 2018 sa loob
ng opisina ng Greenpeace Southeast Asia – Philippines, JGS Building, 30 Scout
Tuazon Street, Brgy. Laging Handa, Quezon City nila Attys. Zelda DT. Soriano at
Hasminah D. Paudac, kasama sila Bb. Anna Dominique Esmeralda at Bb.
Veronica Cabe, isa sa mga naghain ng Petisyon.)
Q1: Ano po ang inyong kabuhayan?
A1: Pagkokopras, pagtatanim ng iba’t-ibang gulay at coco sugar.
Q2: Bakit po iyan ang naging kabuhayan ninyo?
A2: Iyan na ang nakalakihan ko dahil isa akong anak ng magsasaka.
Pagkatapos ng high school, nag-asawa na ako tapos ako na lang din
ang nagpatuloy ng pagkokopras sa aming magkakapatid.
Q3: Gaano na po ninyo katagal ginagawa ito?
A3: Sa pagkokopras at pagtatanim ng mga gulay, noong high school pa
ako, mga 1972 pa. Sa coco sugar naman, noon 2015 lang nung nakita
namin na may “value” at nakakadagdag sa kita namin dahil
kumokonti na ang kita sa pagkokopras at paggugulay.
Q4: Mula noong nag-umpisa kayo sa pagkokopras at pagtatanim ng
mga gulay, mayroon po ba kayong napansin na pagbabago noon
kumpara sa ngayon?
A4: Napakalaki. Noong 1970-80s kalamansi basket ang Alabat Island.
Ngayon, hindi na kasi biglang namatay ang kalamansi.
Q5: Bakit po nangamatay ang mga kalamansi?
A5: Dahil sa sobrang init. Naalala ko noon mga 1990s, mula January
hanggang July o August ‘yun. Nakaranas kami ng sobrang tagtuyot,
“drought” ba. Dati-rati nalalaman pa namin kung kailan ang tag-ulan
o tag-araw. December noon medyo tag-ulan dahil malapit kami sa
Pacific Ocean. Tapos January paunti-unti nawawala at okey na.
Kitang-kita iyong pabago-bago ng ating panahon na hindi tulad dati
nasusunod yung normal na “cycle” kung kailan uulan at aaraw.
Ngayon, “very unpredictable,” hindi mo na talaga masabi ang
panahon.
Q6: Maaari mo bang ipaliwanag kung paano itong pagkokopras at
pagtatanim ninyo ng gulay?