2 hindi gaano nabagyo lagi. Pero paiba-iba na rin ngayon. Hindi mo na rin matukoy. Q5: In the average po, gaano kalaki ang nawawalang ani o kita dahil sa damage na dulot ng masamang panahon na iyong isinilaysay? A5: Dati kasi mga 100 kaban ng palay ang naaani namin kada ektarya—bago ang 1980s. Mula 1980s, pababa na nang pababa. Sa ngayon mga 60 hanggang 70 kaban na lang kada ektarya... kaya parang 30 kaban ang nasisira ng sobrang init, sobrang ulan, delayed na pagpasok ng tag-ulan at yung sobrang malalakas na bagyo... kada ektarya kada taon. Q6: Bakit mayroong dalawang uri ng cropping? A6: Dahil sa kalamidad, halos kalahati ng produksyon nawawala. Umiiyak ang mga mambubukid. Pambayad utang na rin kasi wala gaanong naani o hindi sapat ang ani sa unang cropping. Ang deskripsyon dati, umani ka ngayon sa main crop mo, nakapag-imbak ka pa sa garong o bodega mo. Noong 1970s isang cropping sapat na, ngayon hindi na. Kailangan mo mag-second crop para makabawi sa unang crop na kalahati ay nasira o kaunti ang naani dahil sa masamang panahon. Q7: Ano po ang epekto nito (ng kabawasan sa ani at kita dahil sa masamang panahon) sa mga miyembro ninyong magsasaka? A7: Kapag nadaanan ng kalamidad ang aanhing palay, gulay at iba pang pananim ay mababaon sa utang ang mga magsasaka, masasakripisyo ang pagkain ng pamilya, ang pag-aaral ng mga anak. Ang masaklap dito ay mababaon sa utang… pag nabaon sa utang kadalasan mai-elit ang lupa ng mga pinagka-utangan na kadalasang nangyayari sa ngayon… manggagawa o trabahador nalang ang dating may-ari ng lupa. Kadalasan kung tawagin sila ay barok sa Nueva Ecija. Dahil sa sitwasyong ito marami sa mga magsasaka sa ngayon ang inaabanduna na ang pagsasaka o ayaw na nilang isalin sa kanilang mga anak ang pagiging magsasaka. Q8: Sa inyo pong sariling karanasan? Ano ang epekto sa iyo at iyong pamilya? A8: Pagkabaon namin sa utang ay kahulugan ng pagkalugmok naming sa kahirapan. Ang pinakamasaklap dito’y nawala na sa amin an gaming bukid kaya an gaming pamilya ay nakikisaka o umuupa na lang. Q9: Sa ganitong pagkakataon na nasasalanta ang inyong mga pananim, mayroon ba kayong tulong pinansyal na nakukuha sa lokal na pamahalaan? A9: Walang makunan na pondo pagnasalanta. Ang sagot kasi ng gobyerno ay “crop insurance.” Ang nai-insure lang ay kalahati, hindi buo. Hindi nakukuha o narerecover ng magsasaka iyong kalahati, kaya uutang siya para sa kalahati. Nalulubog sila sa utang dahil doon kasi kailangan din nila ng pondo para makapagtanim sa ikalawang cropping. Dasal na lang ang ginagawa ng mga mambubukid.

Select target paragraph3