4 Q18: Ano ang SAMMABSI? Ano ang layunin nito? A18: Ang Samahan ng Magsasaka at Mangingisda ng Barangay San Isidro (SAMMABSI) ay isang People’s Organization. Nagsimula kami noong 2013. Naitatag ito upang makahingi kami ng tulog mula sa ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment at Department of Agriculture. Gusto namin sumali sa mga proyekto ng gobyerno upang makahalaw ng bagong kaalaman sa teknolohiya. Adhikain din namin na matugunan ang sakit ng mga damong dagat (seaweeds) sa karagatan. Q19: Nabanggit ninyo ang naging personal na epekto sa inyo ng matinding init at pagbabago ng klima. Ano naman ang nakita niyong naging epekto nito sa inyong mga anak, kung mayroon man? A19: Hindi sila nakukumbinse na magsaka at mangisda kasi mahirap ang kalagayan at walang permanenteng kita. Mabigat talaga ang pagtatrabaho sa pagsasaka. Q20: Mayroon po ba kayong nais sabihin bukod sa inyong nasabi na? A20: Nagpapasalamat kami sa pagbibigay ng oportunidad makapagsalita rito at pagkakaroon ng ganitong hinaing aksyon. Sana suportahan ang ganitong initiave at ang pag-aalaga sa kalikasan. Sana malabanan ang mga malalaking korporasyon na sumisira sa kalikasan. Itong ginagawa natin parang suntok sa buwan, ngunit posibleng magkaroon ng magandang resulta. Ang usaping pagbabago ng klima ay usapin sa buong mundo at hindi lang sa atin. Q21: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung kinakailangan? A21: Opo. Elicer G. Lauce August 15, 2018

Select target paragraph3