4
kasing mapasaya talaga sila at hindi nila maramdaman ang hirap ng
buhay namin.
Q15: Bakit pala kayo umalis sa Tent City at minabuting umupa sa isang
boarding house?
A15: Hindi panatag loob ko sa Tent City. Pakiramdam ko hindi kami safe na
magkakapatid doon. Madilim ang lugar papunta roon. Medyo napophobia pa ako na baka kung magkabagyo ulit, mababaha na naman
kami.
Q16: Ano ang mga personal na epekto sa iyo ng iyong karanasan sa
bagyong Sendong?
A16: Napakahirap at napakasakit ang naranasan naming magkakapatid kasi
bata pa kami noon. Bigla kaming naulila at nawalan pa ng
nakakatandang mga kapatid na dapat gumabay sa amin. Naging biglaan
ang pangayayari sa buhay namin. Naging biglaan ang maturity ng
buhay ko kasi ginagampanan ko ang tatlong roles o responsibilidad para
sa mga kapatid ko. Sa murang edad, ako ang naging nanay, tatay, at ate
sa kanila. Hindi ko inaakalang magiging provider ako sa kanila. Hindi
na natuloy yung inaasam ko noon na mag-iipon lang para may pang
tuition sa susunod na taon. Imbes na pag-aaral ang inaatupag ko,
napilitan ako lalong kumayod para mabuhay kaming magkakapatid.
Namasukan ako sa Jollibee sa Gaisano. Ang suweldo ko ay ginamit ko
pambili ng school supplies at baon ng mga kapatid ko. Wala namang
tuition fee kasi sa public school ko sila inenrol pero ang mabigat ay
iyong pang-araw araw na tustusin.
Q17: Hindi mo na rin ba naituloy ay iyong pag-aaral?
A17: Ngayon lang po, pagkatapos ng halos pitong (7) taon. Ngayong taon
lang ako naka-enrol dito sa Zamboanga del Sur.
Q18: Ano naman naging epekto ng pangyayaring ito sa iyong mga
nakababatang kapatid?
A18: Bukod sa trauma, psychological po ang una kong napansin. Nakita ko
iyong inggit o jealousy po sa kanila. Nararamdaman ko minsan ang
pagkainggit nila sa mga kaklase nila kasi may mga magulang sila.
Kapag may meeting, walang mga magulang na uma-attend para sa
kanila kaya ako na lang. Pero, masaya rin ako minsan kasi kapag
Mothers’ Day ay nakakatanggap ako ng pasasalamat sa mga kapatid ko.
Q19: Bukod dito, ano pa ang naging epekto sa iyo at sa iyong mga
kapatid?
A19: May takot na kami lalong-lalo na kapag malakas ang ulan kasi iyong
nasa isip namin ay baka babaha ulit. At saka iyong palipat-lipat kami
ng tirahan walang permanenteng tirahan, napakahirap.