IPMR RODRIGUEZ: Ang San Vicente po ay may 10 Barangay at 6 lang po ang may Tagbanua.Sa 6 na Barangay may 3 po tayong mayroon ng CADT na nakabinbin. Sa ngayon ay humihiling tayo sa NCIP na magawa na ang Work and Financial Plan subalit hanggang ngayon ay hindi padin kami natutulungan. Magkakaroon narin kami ng IP day Celebration dahil ito ay may pondo na. Tingin ko ay hindi mahahatihati dito dahil sa pederasyon na nga lang liliit ang pondo. IPMR BRO: Malaki ang utang na loob ko sa NATRIPAL dahil ito ang gumising sa akin para mahalin at pahalagahan ang kapwa. Dapat ipagtanggol ang karapatan ng mga Katutubo dahil sila ang naglagay sa amin. Kung hindi dahil sa inyo at NATRIPAL hindi ko po ito makakaya dahil sa dami ng problema na dapat ay mabigyan ng solusyon. Ngayong 2018 ay magiging Barangay na ang Sitio Daan dahil ito ay may budget na na kalahating Milyon. WEST COAST PROBLEM - Bilihan ng Lupaing ninuno dahil sa kahirapan ng buhay Tinigilan na ang pag indorso ng mga illegal quarry EAST COAST PROBLEM - Pagpasok ng mga proyekto na hindi dumaan sa tamang proseso at walang FPIC EFREN: NIA project daw ng gobyerno BOARD BRO: National yan. Ako wala akong alam diyan. BOARD JAN JAN: Ang Barangay ang unang makakaalam ng pagpasok ng isang proyekto EFREN: Kasalukuyang nag-ooperate sa amin sa Culandanum PRES. Mahaba at maraming proseso ng NTFP sa yantok, Almaciga, Honey at iba pa. Ito ang isa sa problema ang matagal napag- apruba. Dapat makabuo ng resolusyon na Katutubo lang ang may karapatan sa permit at hindi mataas ang singil, Ito ay ating hilingin kay Cimato kung gusto ninyo. COUNCIL CHAIRMAN OF ELDERS: Sana sa pagsampa na alas 5:00 PM tapos na ang interview DANNY SACAMAY – Ang pangalan po ng samahan ay SAKAIBO Proyekto nagkaroon ng NGP Program. Nagkaroon din ng pondo. Kasalukuyang kalagayan ay maayos, ang problema lang ay balakid sa Ancestral Domain NATRITI CULANDANUM: may 93 members, 43 lang ang aktibo ELAC member din kmi at maganda naman ang samahan. Problema ng samahan ay ang pag-angkin ng mga migrants sa aming lupa at komunidad at plano naming bawiin ang aming lugar dahil sila ay mga baguhan lang. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [99]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents