WELLIE: Kung ang layunin ng paghahati- hati makakasiguro po ba tayo na ang IPRA law ay hindi maaapektuhan? 4 na batas ang gustong tanggalin. Ano ang preparasyon sa paghahati? NERTO: Bakit pinapatanggal pa ng NCIP ang pagba validate? Inaantala ng NCIP ang pag ba validate ng Ancestral Domain. BOARD LUMIS: May punto si Wellie dahil isa rin sa tinitingnan ang Federalism lahat nalang ng ex convict dito tinatapon sa Palawan at pinag-aagawan tayo ng iba‟t ibang lugar. WELLIE: Sa plano ng National, pag nagkaroon ng Federalism State ang Palawan kasama natin ang Mindoro. Sa tingin ko napapanahon kapag nagkaroon ng Federalism sino ang mamumuno? si Governor? BOARD JAN JAN: Humihingi rin po ako ng paumanhin, ang sa akin kasing kaisipan kapag 3 ng Governor, kung sa tingin natin ay hindi magiging maganda ang ginagawa dahil tayo naman ang maglalagay sa kanila sa posisyon. NESTOR BERING: Sa amin ay wala po kaming tinatawag na IPMR BOARD JAN JAN: May ilalagay po na IPMR diyan si Vergie Amora kaso lang ang census ng IP ay hindi pa naibibigay ng NCIP ADANG MAGBANUA: Naiisip ko lang po gusto po naming panatilihin ang aming kultura. Hindi kaya kapag nahati na tayo sa tatlo ay baka mawala na ang aming kultura. BOARD JAN JAN: Kahit ako po ay ayaw ko ring maapektuhan ang ating kultura. PILITA ANGGIN: Ang akin lang po ay patungkol sa aming Bagerar dahil wala po silang pakialam sa aming organisasyo. Walang nakarating, walang kasunduan at walang share. PRES . NORA: Ang layunin ng PEDERASYON ay magkaisa BOARD JAN JAN: Siguro ang usapin ay klarado yan kasi tumulong pa si Inday sa paggawa ng kasunduan. Malungkot yan at masakit para sa akin ang mahuli sila. Siguro ihiwalay ang usapin nayan dahil may mas maraming importanting usapin. AMAY TELYONG: Ang punto ko NCIP ba ang magpapatawag doon? BOARD JAN JAN: Huwag ninyo pong isipin ang NCIP dahil Bagerar muna ang magpapatawag NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [98]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents