MESSAGE
Hon. Luis M. Marcaida III
City Vice Mayor
araming Salamat sa pag-imbita sa amin. Sa ating mga Tribal Chieftain at sa mga
Katutubo sa iba‟t ibang sulok ng Palawan. Sa ating mga bisita, sa mga taga-CHR, kay
Dr. Basas at Atty. Jess magandang umaga po.
Advance Merry Christmas at Happy New Year. Maganda po ang ganitong pagpupulong na may temang Edukasyon sa maunlad na pamumuno. Maganda po ito
para sa ating mga namumuno na mayroon tayong sapat na kaalaman at edukasyon
lalo na sa IPRA na s‟yang gumagabay sa ating mga Katutubo.
Kayo po ay nandito para pag-usapan kung anu-ano ang mga nangyayari sa inyong
mga tribal communities at alam natin na iba‟t iba ang nangyayari dito. Maraming
problema ang nakakarating sa amin dahil sa encroachment sa inyong ancestral
domain. May mga ginagawa naman na po para magkaroon ng delineation para sa
inyong mga ancestral domain.
Maganda po na ipakita ninyo na kayo ay may pag-aaral at edukasyon para sa
ikauunlad ng inyong tribal communities. Kami pos a Sangguniang Bayan ay handing
sumuporta sa mga panukalang batas at hakbangin sa mga concerns ninyo.
Naaprubahan na po ang mga budget ng Panlungsod kahapon at kasama rito ang mga
para sa inyong mga Katutubo. Pag-usapan na lamang po ninyo kay Gg. Saavedra
para alam ninyo kung saan n‟yo ito dapat gastusin. May mga espesyal na programa
rin para sa mga Katutubo.
Wala naman po akong espesyal na sasabihin, gusto ko lamang po kayong makita
dahil hindi ko po kayo nakita sa matagal na panahon. Manalangin po tayo na
manatili ang kapayapaan at pag-ibig dito sa ating lungsod sa mga darating na
panahon
Salamat po. Mabuhay ang ating mga Katutubo.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[72]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents