POSIBLENG PARAAN PAANO MALAMAN KUNG NAUSAD AND MGA SOLUSYON Mula po ito sa Inquiry Report, at sa tingin namin ito ang kailangan bantayan sa buong Tribo ng Pilipinas. Ang ayaw magkaroon ng CADT ay hindi bibilangin. Ang pagbilang ng lumalabag sa FPIC ay makikita kung dumarami o nababawasan? Kung dumarami ang Esatado ay hindi gumagawa ng kanilang tungkulin. Tandaan lamang kung ang kaso ng pag-labag sa human rights ay kasalanan ng isang taga-Estado ito ay iimbestigahan ng CHR. Kung ito naman ay hindi ang Estado mismo ang magiimbestiga. Hal. Ang kapit-bahay ninyo ang may kasalanan, ibibigay namin ito sa isang ahensya na dapat mag-imbestiga; pero kung ang kapit-bahay ninyo ay isang taga-ahensya, pulis, military, o taga-LGU ito ay iimbestigahan ng CHR. Iba po ang karapatang pantao ng iisang tao sa karapatang pantao ng isang bilang Katutubo. Ang ibig sabihin ng resolba ay nagkaroon ng resolution, nakulong ang may kasalanan, nabayaran ang daños y perjuicios, at iba pa. Ang mga tungkol sa inyong kultura ay napaka-halaga at ito ang dapat tutukan. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [55]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents