Para sa inyong mga proyekto na kinakailangan ng Mayor‟s Permit na tinatawag na “Locational Clearance” ay humihingi ng requirement na tax declaration o titulo. Ito po ay inamyemdahan natin para mapadali ang inyong proseso. Ang kailangan n‟yo na lamang ay ang Certification galing sa NCIP na mayroong kayong anking lupaing ninuno sa lugar ninyo. This NCIP Clearance is in lieu of the title or tax declaration. Gumagawa po ang inyong lingkod bilang miyembro ng Konseho sa Lungsod ng Puerto Princesa para maprotektahan ang ating mga kapatid na Katutubo. Gumawa po kayo ng sulat para dagdagan ang budget na P1.5M para sa taong 2020 para ang budget na ito ay magamit sa ating mga kapatid na Katutubo. OPEN FORUM Suggestion, Ricardo Pandinio: Bilang isang IPMR, dapat ang mga dati at bagong halal na mga opisyal ng mga Barangay ay mabigyan ng awareness seminar tungkol sa mga Karapatan ng Katutubo sa ilalim ng IPRA Law. A: Ang dapat gumalaw po dito ay ang ating Konsehal Nestor A. Saavedra, dahil siya ay may hiwalay na pondo para sa mga Katutubo. Kakausapin ko na lamang po siya para mailagay sa kanyang programa ang Awareness on IPRA. Nasa panukala ko na rin po sa DepEd na isama ang pag-aaral ng IPRA sa mga kabataan para masimulan na maisapuso at igalang nila ang ating mga kapatid na Katutubo (approved na po ito.) Suggestion, Rogelio Limsa: Dapat protektahan ang ancestral domain, lalo na sa mga quarrying na nasa Rizal town na kaawa-awa. Nauubos na ang mga batu-bato sa gilid. Ang betahan ng lupa ay laganap na rin. Dapat ang IPRA Law ay malaman sana nila at hindi na tuluyang sirain ang aming lupaing ninuno. A: Mahirap po ang laban kung mahirap ang kalaban natin. Magkaisa tayo para ipakita ang ating lakas. Dapat ay may tatayo para mag-reklamo. Ang abogado at hindi tatayo ng mag-isa kung walang magrereklamo. Ako rin po ay dapat may katuwang sa Lungsod Panlalawigan. Sa mga bilihan ng lupa, dapat may kaparusahan ang bumibili ng lupa base sa ating Civil Code of the Philippines. At kung ito ay walang bisa dapat ibalik ang pera at ang lupa dahil ito ay null and void. Ang sabi ko po sa DAR kapag may bilihan sa lupa na awarded nila na wala pang 10years ay kahit sino dapat ay mag-sampa ng demanda. Subalit sa kasalukuyang umiiral na batas, ang affected lamang ang p‟wedeng mag-sampa ng demanda mahihirapan na tayong habulin ang bentahan ng lupa. Pero kung kahit sana sino, o NCIP, o ang komunidad, o ang NGOs ay p‟wedeng mag-sampa ng kaso gaganda sana ang ating posisyon. Pero kailangan i-amend ang batas, tayo po ay miyembro lamang ng Konseho. Ang mgagagawa ko po lamang ay ang mag-recommend at maka-gawa ng Resolution to amend the law. Ang ating mga Congressman po ang dapat tumutok dito pero we will awake the Congress to amend the existing law. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [23]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents