Participant, Brgy. Pisiw: Gusto kong malaman kung kayo ay mayroong kinakabit na mga aparato? Ms. Chai: Isang organisasyon po „yun na tinatawag na IUTM. Nagpulung-pulong po ang mga grupo ng mga researchers sa Europe at ang isang paraan na nakita nila para ma-monitor ang mga Pangolin ay ang paglalagay ng mga camera trap. Ang Katala Foundation at ang Protect Wildlife ay naglagay ng mga camera dahil parte po „yan ng kanilang research. Sa amin rin po baka mag-set up rin po kami pero ipapaalam naman rin po namin ito sa inyo. Ms. Dadison: Kaya nga po nandito sila para mag-aral at mag-research ay para maprotektahan natin ang Balintong. Sila ang mga tutulong sa atin. Kung may makita tayong dalawa (2) huwag na natin itong huliin para dumami pa sila. Ang ibang mga lider po sa ibang lugar maaring hindi sila naka-dalo sa mga meetings kaya nagkaroon ng mga isyu na hindi nila nalaman. Ang Sabin po ay katulad rin ng Katala Foundation na humingi rin ng mga requirements. Naglagay na rin sila ng mga camera trap para makita kung nasaan ang mga Balintong. Dahil sa mahal ng bentahan ngayon ng Balintong ito ay nauubos na. Pero nabulabog na rin ang mga illegal na nanghuhuli at ako rin po ay natutuwa dito. Ang layunin ng NATRIPAL ay ang protektahan natin ang ating mga lupaing ninuno. Kayo po ba ay nagpo-protekta ng mga lupaing ninuno? Baka po sa halagang P500 kayo ay nag-benta na at pumirma na sa mga mining companies. Hindi po ito ang layunin ng ating pederasyon. (See Annex for Municipality/Barangay with existing Pangolin) NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [14]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents