2
Q6: Maaari ninyo po bang ilarawan ang inyong buhay bilang
mangingisda noon?
A6: Dati, sandali lang kami mangisda pero maraming huli na. Nabebenta
namin yung huli naming talakitok at iba pang mga isda mga PhP3.00
kada kilo. De-sagwan lang kami noon ha. Kasi dati nagkagiyera diba
sa may Manila Bay. Iyong mga nalubog na mga barko naging mga
bahura (coral reefs) at naging tirahan ng mga isda. Nangingisda kami
sa mga bahura na iyon. Nahuhuli namin malaking talakitok,
bangbangin, asugon (barakuda) at iba pa. Halimbawa, limang (5) kilo
ang karaniwang laki at kadalasan 3-6 na piraso ang nakukuha namin
sa halos kalahating araw lang.
Q7: Paano po ba ang sistema ng pangingisda ninyo noon?
A7: Hook-and-line gamit namin at de-sagwan kami. Aalis kami mga alaskwatro ng umaga (4:00 a.m.) tapos darating kami sa lugar na
pangisdaan ng mga alas-siyete ng umaga (7:00 a.m.). Mangingisda
kami hanggang mga alas-dose (12:00 noon). Tapos marami na kami
huli at uuwi na kami. Hindi uso ang “cooler” noon kasi matagal
mabilasa ang isda hindi tulad ngayon na saglit lang ang oras, bilasa na
kahit de-motor pa ang bangkang gamit.
Q8: Nasabi ninyo po na mangingisda po pa rin kayo hanggang
ngayon. May kaibahan po ba ang pangingisda ninyo noon at
ngayon?
A8: Malaki ang pagkakaiba.
Q9: Ano po ang kaibahan?
A9: Nangingisda na ako mula ng pagkabata. Nasubaybayan ko iyong untiunti kaming lumalayo para lang makapangisda. Lumiliit din ang mga
huli. Kung dati nakakakuha pa kami ng magagandang isda tulad ng
Lapu-lapu, Bambangin… at ang kadalasang huli noon ay pumapalo sa
15 hanggang 30 kilos. Sa panahon ngayon “jackpot” na iyong makaaverage ka ng limang (5) kilo araw-araw. Kasi kahit limang (5) kilo
mahirap na mahuli. Bihira na rin makahuli ng talakitok at bisugo na
dati normal na nakukuha namin sa paraan ng pangangawil (hook-andline). Ngayon kahit de-motor na, kailangang maghapon o buong
magdamag na sa laot para lang makahuli ng sapat.
Gaya ng sabi ko kanina, apat (4) na oras sariwa pa ang isda. Ngayon,
pag wala kang dalang “cooler” bilasa na ang mga isda dahil sa tindi
ng init at marahil sa resistensya ng isda dahil nga mainit at nagbago na
rin ang “environment” nila. Mga dalawang (2) oras bilasa na ang isda.
Bagama’t makakain pa siya, medyo may amoy na o kaya kakamutin
mo yung dila mo kasi makati na siya.
Dati, malapit lang kung kami ay mangisda… mga isa (1) hanggang
pitong (3) kilometro lang ng de-sagwan. Ngayon dumadayo na kami
sa ibang lugar at malayo na… mga tatlo hanggang anim (3-6) oras na
biyahe de-motor. Doon kami nangingisda sa hindi mo na matatanaw