3 iyong bundok… mga tatlumpong kilometro (30 km) o higit pa at 2-3 araw kami sa laot dala ang bigas at kalan na di uling. Isa pang kapansin-pansin ay maraming isdang nawawala na ngayon… ito iyong mga isdang hindi naka-adapt sa init at bagong timpla ng tubig. Mayroon din namang bagong isda na nakikita ngayon na wala noon… marahil ito iyong mga isdang naka-adapt sa kapaligiran niya at dumi ng tubig. Q10: Bukod po rito, mayroon pa po ba kayong nakikitang kaibahan? A10: Naiba rin pati ang cycle at klase ng huli. Dati mula Enero hanggang Mayo may hulian niyan… tunsoy, lapad, o tamban, ginagawang tuyo… season din ng mga pusit at alimasag. Iyong tuyo na matigas na, hindi na sa Manila Bay… sa Visayas o Palawan na galing mga iyon. Pagpasok kasi ng Hunyo hanggang Setyembre, baha-baha na diba. Malabo ang dagat… hindi makahuli. Iyong mga tahong, talaba, at ibang lamang-dagat namamatay dahil pag dinaanan ng tubig tabang… namamatay sila kasi hindi iyon ang tubig nila. At unti-unti din bumabalik ang alimasag, hipon, nabubuhay ang tahong talaba paglipas ng masamang tubig. Ngayon, hindi na nasusundan ang cycle ng panahon. Pag tag-init dapat, nagiging tag-ulan… pag tag-ulan na dapat, nagiging tag-init. Matinding init pa. Dati, kaya mo sabihin na ang buwan ng Disyembre hanggang Mayo ay tag-init. Ngayon, hindi mo na alam. Iyon nga, may tag-araw sa tag-ulan at tag-ulan sa tag-araw. Pati tradisyonal na kaalaman ng mangingisda nasisira na. Dati, palatandaan namin ang bituin at hangin. Ngayon, hindi mo na alam kasi nagbago na. Q11: Ano po sa tingin ninyo ang nagdulot ng pagbabagong ito? A11: Maliban siguro sa mga nagi-illegal fishing, “reclamation,” at iyong polusyon dahil sa pagtatapon ng mga dumi sa dagat ng malalaking industriya… noong 1970s kasi marami ang nagsitayuang industriya. Itinayo noong mga panahon na iyon yung Bataan Export Processing Zone, Bataan Refinery Corporation na pag-aari ng Petron… at iba pang industriya na nag-ooperate sa tabi ng dagat at naging tapunan nila iyong dagat at ginagamit nila rin pampalamig ng kanilang makina… Iyong matinding pagbabago ng klima ay naging “factor” sa problema ng pangisdaan. Q12: Bakit ninyo po nasabi iyong matinding pagbabago ng klima? A12: Ang mga bagyo dati, kung may mga malakas man, pana-panahon lang. Alam mo kung anong mga buwan. Nagtataka kami sobrang lakas na ng hangin. Ngayon may signal number 4 na. Dati bihira nga ang signal number 3. Iyong pagtaas ng alon nararanasan din namin. Hindi na balanse ang sitwasyon ng karagatan… iyong dating hindi tumataas ang tubig, ngayon doon tumataas… tapos iyong mataas na,

Select target paragraph3