4 Q14: Bumalik ba pa kayo sa tinitirhan niyo? A14: Noong bumalik ako sa tinitirahan namin, hindi ko na alam nasaan ang bahay namin kasi ang natira lang ay haligi na sing taas ng bote. Ang flooring namin nawala na. Q15: Paano kayo nakaraos noon? A15: Inipon namin mga naanod na gamit na kutsara. Nagsisikan kami sa maliit na lugar. Andoon kami nakituloy sa bahay ng kagawad. Ginawa ko madaling araw, may nagdala ng bigas na basa, nakalagay sa barrel. Nakakuha ako ng 3 bigas na basa at isa pang gatas na lata para sa mga bata. Binalikan ko rin iyong puno ng saging na kinapitan namin kasi may bunga iyon. Q16: Ano ang nagyari pagkatapos ng Yolanda? A16: Para makakuha ng relief goods, napilitan akong tumayong lider sa lugar namin. Naglista-lista na kami ng mga pangalan ng mga pamilyang naapektuhan. Narinig ko kasi na may NGO doon. Dati, Jean ang pangalan ko, pero pagkatapos ng Yolanda, ginamit ko na iyong totoong pangalan ko na Arthur kasi nga kailangan doon sa listahan. Naglalakad-lakad ako at pag may nakita akong pila, tinatanong ko paano kami makakakuha ng relief goods kasi nasa dulo kami at hindi kami inaabot. Dala-dala ko iyong listahan ko na 178 families, 142 households. Makalipas ang ilang araw, may naghahanap sa akin. Doon na nagsimula. Maraming nagpunta sa lugar namin kasi narinig nila na kumikilos ako. Lumipat ang ibang tao kasi sa lugar namin bumuhos ang relief. Hindi ito kusang binibigay sa amin. Hinihingi ko yan para aming lahat. Ako kauna-unahang nakahingi ng shelter kit para mapaayos mga bahay sa aming lugar. Q17: Ano ang naging epekto sa iyo ng karanasan mo sa bagyong Yolanda? A17: 70% ng kita ko nawala. Iyong mga kamag-anak ko na nag-aaral pa ay nahinto. Iyong iba ay nagpunta ng Bicol para lang makapag-aral. Dumanas kami ng matinding trauma, lalo na pag umuulan. Kailan lang ulit ako nakaligo sa dagat. Limang taon makalipas ang Yolanda. Dahil sa nangyari, kahit umapak sa dagat ayaw ko. May mga pagkakataon din na nagkaka-anxiety attack ako. Hindi ko alam kung ano ang kinakatakutan ko. Dumating ang oras na para akong nababaliw. May mga psychologists sa Ateneo ang nagpunta sa amin. Sila ang gumamot sa akin. Hindi ko alam na ginagamot na pala ako.

Select target paragraph3