2
ko ang aming bahay at nasuportahan ko ang mga magulang ko pati na
ang mga kapatid at pamangkin ko.
Bago mag-Yolanda, lagpas ako sa Step 1.
Q7: Ano ang Step 1?
A7: Paniniwala ko kasi ganito. Step 1, walang-wala. Step 2, makabili ng
bahay at may kaunting ipon. Step 3, wala na akong hahanapin. Bago
mag-Yolanda, lagpas na ako sa Step 1, kumpleto sa gamit, maayos na
tinutulugan. Ang pasok nang 2013 noon maganda. Magaan ang pera,
madali kumita. PhP3,000 papa-rebond ng buhok. Ang tindahan ko
lumago. Naka-ipon ako ng PhP50,000 at ibinili ko ng mga gamit sa
bahay tulad ng ref, washing machine dryer, stand fan na dalawa, at
iyong natira, ibinili ko ng kama. Kaya noong nag-Yolanda, nahirapan
ako umalis ng bahay. Hindi ako umalis noong una kasi dahil sa mga
appliances at mga naipundar ko na isang buwan ko lang na-enjoy.
Q8: Maaari mo bang isalaysay kung ano ang nangyari noong
Yolanda?
A8: November 5, Tuesday, 60th birthday ng engineer na kaibigan ko.
Nagi-impake kami noon kasi may warning na may bagyo raw na
darating. Nasa gilid kasi ng dagat ang bahay namin kaya nag-prepare
lang kami.
November 6, Wednesday, dinala ko ang nanay at tatay ko sa
evacuation sa Fisherman’s Village Elementary School. Ako lang ang
naiwan sa bahay noong gabing iyon.
November 7 ng gabi, bumalik ang tatay ko sa bahay at tinulungan
akong ayusin ang mga appliances para hindi masira. Itinaas naming
ang ref, ang washing machine nilagay sa mesa at itinali ng straw,
inayos pati ang kama, iyong electric fan at TV dinala sa evacuation
center.
November 8 mga 4:00 ng umaga, ginising ko si tatay, nagdala ako ng
dalawang damit, mga paninda ko inilagay ko sa dram at mga
margarine na can. Namili ako sa tindahan ko worth PhP7,000… mga
hotdog, bangus… kasi alam ko bebenta ito. Nag-prepare ako at pinuno
ko ang ref ko.
Mga 5:00 ng umaga ng November 8, hinatid ko si tatay sa evacuation.
Ayaw niya pumayag na mag-isa lang ako sa bahay. Hindi niya alam
na hindi ko maiwan kasi ang bahay dahil sa mga naipundar ko.
Mga 7:00 ng umaga, nakita kong nabuwal ang malalaking puno.
Doon ko nakita iyong nakikita ko sa pelikula. Unti-unting nilamong
mga bahay. Natakot ako. Hindi ko akalain na ganoon pala kalakas
ang bagyo. Noon ko lang naranasan ang ganoon.