2
Q6: Ano ang mga kwalipikasyon sa pagiging culture bearer? Masasabi
mo ba na ikaw ay isang culture bearer?
A6: Opo, isa akong culture bearer. Wala pong kwalipikasyon basta may
kaalaman ka at kaya mong ipamahagi ang nalalaman mo, isa ka ng
culture bearer.
Q7: Sa iyong karanasan bilang culture bearer, may napansin ka bang
nagbago sa inyong tradisyon?
A7: Ang tradisyon namin sa pag-aani na tinatawag naming Baki o Rice
Ritual ay unti-unting nawawala na. Ang Baki ay nagaganap bago
isagawa ang pagtatanim ng palay, bago at pagkatapos ng pag-aani. Sa
mga mayayaman o mayroong malalaking lupa, baboy ang inaalay nila.
Samantala, manok naman ng mga taong may kaunting kakayanan sa
buhay.
Q8: Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ang tradisyong Baki ay
unti-unting nawawala na?
A8: Siguro dahil hindi na rin naoobserbahan ang isa naming tradisyon.
Yang yung sabay-sabay na pagtatanim at pag-aani ng buong
komunidad. Noon, kung sino ang pinakamayaman sa lugar at may
malaking palayan, siya ang unang magtatanim bago ang komnidad.
Eh ngayon, wala na. Kaya siguro naapektuhan ang Baki.
Q9: Sa iyong pananaw, bakit naiiba ang dating nakaugaliang
tradisyon?
A9: Siguro dahil nawawalan na ng tiwala ang mga tao sa liit ng inaani.
Minsan kasi pagod lang nakukuha sa pag-aani kasi mas maraming
lakas ang inilalaan nila kumpara sa nakukuhang palay.
Q10: Bakit kaya nangyayari ito, sa tinging mo?
A10: Hindi naman ako segurado pero baka may kinalaman ang paiba-ibang
klima. Kung noon, naka-schedule ang pagtatanim at pag-aani nila,
ngayon wala na kasi hindi na nila alam ang tamang oras ng pagtatanim
at pag-aani. Dagdag pa rito ang malalakas na bagyo na tumatama sa
aming lugar. Magkakakonektado kasi ang mga ito, eh.
Q11: Nasabi mo ang paiba-ibang klima. Maaari mo bang ilahad kung
anu-anong pagbabago ang nararanasan sa inyong lugar?
A11: Una, ang pagguho ng lupa.. Dahil sa bundok kami nakatira, hindi
namin maiiwasang makaranas ng paratihang pagguho ng lupa. Isang
malakas na pag-ulan lang ay nagdudulot na ng pagguho ng lupa.
Pangalawa, ang napabayaan na palayan. Marami ng hindi nagtatanim
sa kanya-kanyang palayan ngayon.
Q12: Nasabi mo kanina na ang pagsasaka ang bumubuhay sa inyong
pamilya. Ano ang naging epekto, kung mayroon man, ng
pagbabago ng klima sa inyong kabuhayan na pagsasaka?
A12: Kinakapos po kami sa pang-araw-araw na budget. Nahihirapan ako
minsan kasi wala po akong allowance noon. Minsan nangungutang