VII “Tricia” Lesbian Ako si Tricia, isang lesbiyana. Lumaki ako sa isang environment, sa bahay man o sa paaralan, kung saan bilang babae, pinakita at pinaramdam saking dapat ako mahumaling sa mga lalaki. Kapag kausap ko ang mga kaibigan ko, laging nasa usapan ang "dream house," "dream wedding," at "dream husband" at somehow parati akong may sagot kahit na wala naman akong pinangarap alin man doon. Kahit ganun, may alam din naman ako tungkol sa mga bakla at lesbiyana, ngunit hindi pa buo ang konseptong ito sa isip ko. Kaya naman sa early elementary days ko ay nagkagusto ako sa mga lalaki kong kaklase out of pressure ng mga kaibigan ko. Hanggang ang una kong babaeng nagustuhan ay noong tumungtong ako ng grade 7. Lahat ng naging kaibigan ko ay mga babae. Hindi na rin siguro nakakabigla na ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko ay sarili kong best friend. Sa pagkagusto ko sa kaniya ay doon ko lamang naintindihan ang mga konseptong gaya ng gender identity at sexual orientation. Doon ko naintindihan na hindi masamang magkagusto ako sa kapwa ko babae. Doon ko rin naunawaang hindi ako matatanggap ng magulang ko kailanman. Incoming first year college na ko sa pasukan, at hanggang ngayon ay walang alam ang magulang ko tungkol sakin. Hindi nila alam na nakahalikan ko ang best friend ko sa cubicle ng building namin sa school, sa labas ng classroom namin, sa loob ng classroom namin habang patay ang ilaw, at pati na sa bahay ng isang kaibigan. Hindi nila alam na ang anak nila ay marami nang nakilalang babae sa internet sa loob ng maraming taon dahil akala nila ay marami akong manliligaw na hindi ko lang pinapansin. Hindi nila alam na halos mabaliw ako sa isang babaeng tinuring kong ate na inabot ako ng isang buong taon bago pa ako makamove on sa kaniya kahit hindi naman niya binalik ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi nila alam na ang anak nila ay may girlfriend na ngayon. Minsan ay natatakot ako. Nakakatakot na biglang malaman nila yung relasyon namin ng girlfriend ko at bigla na lang akong palayasin o paghigpitan sa kalagitnaan ng pandemya. Nakakatakot isiping hindi ako matanggap ng sarili kong pamilyang nagpalaki sakin at nagaruga sakin sa loob ng maraming taon. Nakakatakot dahil hindi ko alam ang magiging reaksiyon nila bilang mga manipulative at guilt-tripping na mga magulang kapag umamin akong may girlfriend ako. Nakakatakot minsan dahil naiisip ko kung anong mangyayari sa mata nilang ngayo'y puno ng pagmamahal at pag-aaruga para sa akin, kapag ako ay nabuking na.

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents