Gusto ko ring subukang mag online job pero wala naman akong magamit na computer o laptop para run. Kaya ang asawa ko na lang ang natitira naming pag-asa sa araw-araw. Hindi sumasapat sa aming dalawa kung ang asawa ko lang ang naghahanap buhay. Hindi ko alam ang gagawin sakin ng kumpanya ko. Hindi nila ko mabigyang linaw kung papasok pa ba ko o tatanggalin na nila ko. Nung bago pa lang maglockdown, gusto ko nang mag early retirement gawa ng aking sakit. Kaso napag abutan ako nitong sakuna. Wala rin kaming natanggap na tulong o ayuda mula sa gobyerno, kaya hanggang ngayon lumalaban kami para mabuhay, araw-araw. VI Yham Escleto Transgender man Ang pangalan ko ay Yham Escleto, ito ang storya ko bilang isang transgender man sa panahon ng COVID-19. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na kahit kami ay naghihikahos ngayon ay pinapatnubayan pa rin kami ng Panginoon at ang pamilya ko ay ligtas, malusog, lalo na sa panahon ng nakamamatay na virus na ito. Noong simula noong lockdown nung March 15, tumigil ako sa pamamasada ng tricycle. Nangangamba ako sa kakainin naming pamilya. Lalo na, sa kasawiang palad ay hindi kami natanggap sa ayudang SAP mula sa DSWD. Buti na lamang ay noong mag GCQ na ay pinabalik na ulit kami sa kalsada upang maghanap buhay. Mahirap dahil may pangaba ako lagi sa kalusugan ko dahil lagi akong nasa labas. Bukod pa rito ay kakarampot lamang ang naiuuwi ko ngayon sa pamilya ko, nasa

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents