tahanang uuwian pa. Sa dinami-dami ng mga bagay na tinuro nila sa akin, ay hindi ko rin maiwasan isipin kung normal nga ba talaga ako o kung may mali sa akin. Katulad ng karanasan kong ito ay ang milyon-milyong kaso ng diskriminasyon laban sa LGBTQI community na nangyayari sa loob ng tahanan. At ang mga kasong ay hindi biro sapagkat ang kawalan ng seguridad at pagtanggap mula sa sarili mong pamilya ay nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng isang tao. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko ito rerespondehan. Ngunit alam ko na sa munting pagpapakalat ng tamang impormasyon at adbokasiya ay nakakatulong ako sa iba. Patuloy na muna akong mabubuhay sa mundong ginawa ko na malayo sa kanila at haharapin ito pagdating ng oras na ako’y handa na. VI. “Sushmita” Queer Sushmita, 25

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents