partner? Masakit sa aming pamilya, dahil sa lockdown nagsara muna ang kainan namin. Wala
kaming pagkukunan. Paano kami kakain? Paano kami mabubuhay?
Kahit na ang girlfriend ko na single mom, hindi rin naman napagbigyan ng barangay
namin kahit kakarampot na tulong mula sa gobyerno. Nakakasama ng loob, marami kaming
mas dapat pagtuunan ng pansin at tulungan; pero bakit yung iba sa isang bahay lima pa ang
nakatanggap ng ayuda mula sa SAP. Nagtatanong lang din ako, nagtataka. Nakakadismaya,
ramdam na ramdam ko ang discrimination sa aming mga LGBTQI, paano pala kung hindi ako
ganito?
Sa ngayon kumukuha kami ng budget sa mga natipid namin galing sa karinderya
namin. Hindi na rin ito sasapat sa mga susunod pang mga araw. Dagdag pa nito na
nadisgrasya ako, nabubog ang paa ko kaya ilang araw din akong hindi nakalakad. Feeling ko
pabigat na ba ko?
Kaya lubos ang pasasalamat ko sa CHR, salamat sa pagdulog sa aming mga
problema. Sana mapakinggan kami ng gobyerno at matulungan. Dahil tao rin kami, tao ang
mga miyembro ng LGBTQI. Karapatan din naming mabuhay nang maayos at marangal. Tao
kami.
V
“Juan” Devon M. Garcia
Gay
Juan Spark Youth Leaders
Story:
Ako si “Juan”, ako ay isang gay man at ito ang aking storya.
Araw-araw ay nabubuhay ako sa takot na malaman ng mga magulang ko kung ano
nga ba talaga ako. Pakiramdam ko naman ay may mga paghihinala na sila pero hindi lang
talaga nila kayang tanggapin ang pagkatao ko. Alam ko na kapag dumating ang sitwasyon na
umamin ako sa kanila o hindi naman kaya’y may mag-sumbong na iba, ay wala na akong
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents