4
nauwi sa paggamit ng dinamita at mga paraan ng pangingisda na walang
pagmamalasakit sa dagat at kalikasan.
Q15: Mayroon pa po ba kayong nais sabihin bukod sa inyong nasabi na?
A15: E maihinga ko na rin po ng sama ng loob ang iba pang problema tulad
ng pollution na dulot ng coal plant sa aming lugar. Naaapektuhan po
ang aming kalusugan, kapaligiran at kabuhayan. Sana’y matulungan po
kami ninyo at ng pamahalaan na masolusyunan ang problema namin sa
coal power plant. Sa kaso pong ito na iniimbistagahan ng CHR,
ipinapakita kung paano ang buong mundo ay naapektuhan ng mga
dambuhalang kumpanya ng coal at petrolyo. Sana matuto na po ang
Pilipinas at huwag nang sundan pa ang klase ng ekonomiya na
pinatatakbo ng maruming enerhiya. Huwag din po sanang payagan ng
gobyerno natin ang mga coal plant sa loob naman ng ating bansa.
Q16: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung
kinakailangan?
A16: Opo.
_________________________
Jonathan B. delos Reyes
15 Mayo 2018