3 marumi na ang tubig na malapit pa sa pampang... lumalangoy siguro sila papalayo… May ilang beses naman, ang mga binabagsak na isda ay nasasayang. Walang bumibili. Kung mabili man, binabarat ang presyo. Ganyan kapag red tide. Q10: Malaki rin pong problema ang dulot ng red tide sa inyong negosyo? A10: Malaki at madalas. Dati, paminsan-minsan lang ang paglitaw ng red tide sa Bataan. Sa ngayon, parang pangkaraniwan na ang red tide. Q11: Nasabi n’yo rin kanina na dati rati’y predictable kung anu-anong klase ng isda ang nahuhuli... mayroon bang nahuhuling isda na hindi predicted? A11: May mga isda pong nahuhuli na hindi kilala ng mga mangingisda. Hindi po kami sigurado kung nakakain... at kung bakit sila napapasama sa nahuhuli... Q12: Ang mga epektong sinasabi ninyo ay dulot lahat ng climate change? A12: Marami at iba’t-iba po ang dahilan kung bakit po nararanasan namin ang mga nasabi kong problema. Minsan po ang pagliit ng huli ay may kinalaman din sa liwanag ng buwan o kung malabo ang tubig dahil sa baha o polusyon o kung may red tide o kaya ay dahil hindi na nakakalaki at nakakapagparami ang mga isda dahil sa paggamit ng dinamita at iba pang mapangwasak na paraan ng pangingisda. Siguro isa lamang po ang climate change sa mga dahilan. Q13: Nang lumiit ang volume ng isda na ibinabagsak sa inyong consignasyon, ano ang epekto sa kita ng inyong negosyo? A13: Syempre po, malaki ang iniliit ng kita. Wala na kaming ipon. Budgeted na ang lahat ng gastos, at may mga pagkakataong nagigipit talaga lalo pa at naka-maintenance medicine po ako. Dahil lumiit ang huli, syempre lumalapit po sa amin sa consignasyon ang mga mangingisda para mangutang ng kapital pagpalaot. Syempre kailangan nila ng pagkain, krudo para sa bangka at mga gamit sa pangingisda at perang iiwanan sa pamilya. Ang nakatayang pambayad ay yung huli nilang isda. Kapag kaunti ang huli, kulang pa ang buong kinita nila na pang panggastos sa pansarili at pampamilya kaya wala na silang pambayad-utang sa consignasyon. Lugi kami, lugi ang lahat. Baon sa utang ang iba, at marami na ang tumigil sa pangingisda. Q14: Gaano karami yung ‘marami’ na tumigil na sa pangingisda? A14: Naku e dati 400 daan o higit pa ang miyembro ng consignasyon noong panahon na tatay ko. Tapos naging mga 300, 200, 100... at baka wala na po sa 50 mangingisda ang nagbabagsak sa ngayon sa aming consignasyon. Kasabay na nagbago sa panahon ay ang kultura po sa aming lugar. Marami na ang umayaw sa pangingisda... at ang iba na nagpatuloy ay

Select target paragraph3