Salaysay ni Bb. Honeylyn Gonzales
Honeylyn A. Gonzales, 25 taong gulang, residente ng Purok 6 Legarda
Dos, Dinas, Zamboanga del Sur
(Ang Salaysay ni Bb. Honeylyn A. Gonzales ay inilahad kina Atty. Hasminah
D. Paudac at Mohamad Rayyan M. Domado sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
Ito ay nangyari noong ika-14 ng Nobyembre 2018 sa loob ng opisina ng Greenpeace
Southeast Asia – Philippines, JGS Building, 30 Scout Tuazon Street, Brgy. Laging
Handa, Quezon City.)
Q1: Maaari mo ba kaming bigyan ng maikling personal na
impormasyon?
A1: Ako si Honeylyn Gonzales, 25 taong gulang at ipinanganak at lumaki
sa Brgy. Santiago, Iligan City. Ako ay isang ina at kasalukuyang 1st
year college student na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in
Education sa J.H. Cerilles State College.
Bago kami sinalanta ng bagyong Sendong1 noong December 2011 at
naisali sa missing o mga nawawalang tao ang mga magulang ko, ang
tatay ko ay isang barber at ang nanay ko ay isang housewife. Ako po
ay pangatlo sa limang magkakapatid. Bago pa man nangyari ang
bagyong Sendong, ako ay pansamanatalang tumigil sa pag-aaral dahil
kapos at ako po ay nagtrabaho upang maka-ipon sa susunod na pasukan.
Ako ay namasukan bilang sales lady sa isang mall sa Iligan. Kami ay
nakatira sa isang maliit na barangay ng Iligan; malapit sa smokey
mountain at medyo malapit na rin sa ilog.
Q2: Gaano kayo kalayo sa ilog?
A2: Hindi sobrang lapit, mga five (5)-minute walk po.
Q3: Sa iyong pagkakaalala, ano ang una mong karanasan sa matinding
bagyo?
A3: Ang naalala ko na tumamang malakas na bagyo ay noong 2009, kasi
kalilibing pa ng lolo ko. Naalala ko na hanggang tuhod iyong tubig sa
bahay namin. First time ko ring makita ang bahay namin na binahaan
sa loob. First time na nawalan kami ng tubig. Kaya gumawa sila ng
balon para magkaroon kami ng tubig pang-inom.
Q4: Maaari mo bang ilahad ang mga kaganapan bago sumalanta ang
bagyong Sendong?
A4: December 2011 iyon. Alalang-alala ko na non-stop ang ulan nang alassiyete ng gabi. Hindi naman ito malakas pero umuulan talaga ng ilang
oras, tuluy-tuloy. Kumpleto po kami sa bahay sa mga oras na iyan.
1
Internationally known as Tropical Storm Washi