Suggestion, Sapdul Guinto, Jr.: Tanong n‟yo po kung saan dapat gamitin ang P500T na budget. Sa aking lamang po, tulungan n‟yo kaming ma-segregate ang aming CADT. Ang natitirang 4,985 hectares ay ang magiging lupaing ninuno namin. Maraming dumarating na mga migrante sa aming lupain. Dapat sila ay sumunod naman sa aming mga patakaran at mayroong kaming panghahawakang papeles na sila ay migrante lamang. A: Ang gusto nyo pong mangyari ang P500T budget na para sa 2019 ay idaan sa Napsan, Simpucan at Bagumbayan upang ang problema na „yan ay maayos? Approved po ba kayo doon? Dahil wala namang tumututol kaya ito po ang sasabihin namin sa hearing. Complaint, Tatay: Bumisita po kayo sa aming lugar, wala po akong litrato para sa aming CADC, ubos na po ang lupa, tagilid na. Kapitan mismo ang nag-uutos na ubusin ang lupa. A: Pumunta po kayo sa aking opisina at gagawa po tayo ng sulat para ipaabot sa Philippine Mining and Regulatory Board para sa violations at mapag-usapan. Q, Norma Francia, Brgy. Cabayugan: Maraming nagbebenta ng mga CADC sa mga Diwan. Pumasok na po sila sa aming lupain, sa Diwan, Sitio Sabang. Hindi kami pinapansin. Ang sabi sa amin hayaan lamang. Dumarami sila at kapag tinanong sila kung sa kanila ang lupa sinsabi nilang “OO.” Papano kami matutulungan? A: Ang CADC ng Cabayugan at Bingit ay kailangan i-convert pa ang CADC to CADT. Ang mga taong nagbebenta ng mga CADC sa batas po ay walang bisa ito. Pumunta po kayo sa aking opisina at gagawa po tayo ng sulat para magpatawag po ng meeting. Q, Luzviminda, Brgy. Apurawan: Wala kaming pinag-aralan, may ibang tao na nagpapatala at nauubos na ang aming CADT sa West Cost sa Aborlan. Ang aming sementeryo sa Baybay, na noong 1978 pa ay nawawala na. Papano na kami at ang aming sagradong lugar? Ayaw namin ilipat ang aming mga magulang sa ibang sementeryo dahil hindi rin kami sigurado doon. A: Ang problema n‟yo ay sa lupaing ninuno sa Aborlan, dapat hindi ito ibenta. Pumunta po kayo sa aking opisina at gagawa po tayo ng tamang hakbang. Grievance, Ricardo Pandinio: Walang paalam sa mga Katutubo ang mga ginagawa ng gobryeno na Farm-to-market road. A: Ganoon rin po ang aking nararamdaman. Itinatanong ko rin kung mayroong mga konsultasyon idaan na lamang po natin ito sa tamang proseso at gagawa po tayo ng sulat para ma-agenda natin ito. Comment, Dir. Basas CHR: Kami po ay nandito para tumulong sa inyo lalo na sa mga usapin ng mga karapatang pantao ng mga Katutubo. Ang usapin po tungkol sa awareness sa IPRA ay nasabi ko na rin po kahapon na isa sa aming mandato ang mag-bigay ng mga edukasyon. Ang CHR po ay p‟wedeng tumulong sa opisina ni NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [24]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents